🌹
Liwanag ng Buwan
Naniniwala ka ba na may kababalaghan na nangyayari sa tuwing kabilugan nang buwan?
Na sadyang may mga elementong di natin nakikita at sadyang natatangi.Isang malamig na gabi nasa isang resort kami.
Kasama ko ang aking mga kaibigan.
Selebrasyon nang kaarawan ko.Naglalakad ako sa mapuputing buhangin na sadyang naaninag ang kagandahan nito dahil sa liwanag ng buwan.
Malamig ang simoy nang hangin.Napadpad ako sa isang lugar na kung saan ay may makikitang tulay na kahoy patungo sa isang nakalutang na kubo sa gitna nang dagat.
Tinahak ko ito.Habang papalapit nang papalapit ako rito.
Ako'y may naaninag na isang hulma nang isang babae.
Pilit ko itong inaaninag ngunit sadyang malabo dahil sa alapaap na biglang tumakip sa buwan .Naglakad ako papalapit rito.
Nakatayo ako at nakaharap rito.
Puno nang katanungan at agam agam ang aking isipan.Ilang hakbang ang aking ginawa nang tuluyang napalapit ako sakanya.
Humarap ito sakin kasabay ang pagliwanag nang buong paligid.
Nasinagan nang liwanag ng buwan ang mukha nito.
Sumilay ang ngiti mula rito.Nanghina ako at biglang tumulo mga luha sa aking pisnge.
"Maligayang kaarawan mahal ko" sambit nito nang may ngiti.
Di ako makapaniwala sa aking nakikita.
Nasa harap ko ngayon ang taong mahal ko.
Tumakbo ako rito.
Akma ko na itong yayakapin nang biglang tumagos ang mga bisig ko."Bakit mo ko iniwan?" lumuluhang sambit ko rito.
Ngumiti ito.
"Di kita iniwan. Nanatili ako dyan sa puso mo" sambit nito habang tinuturo ang dibdib ko.
"Gusto kitang hagkan. Gusto kitang halikan. Gusto kitang makasama. Ngunit bakit mo ko iniwan? Ang sakit. Sobrang sakit " humagulhol na ako .
"Magkikita rin tayo sa kabilang buhay. At dun natin ipagpapatuloy ating pagmamahalan"
Naramdaman ko ang yapos nito at marahan na halik sa hangin.
Nawala ito nang parang bula sa aking harapan at dun na sumilay ang bilog na bilog na buwan sa kalangitan.
Napatingala na lamang ako rito at dinamdam ang sakit .
Kahit sobrang ikli nang binigay nitong oras ay labis ang aking kasiyahang nadama.
Pangako aking mahal.
Tayo'y magkikita sa kabilang buhay.
Tumalon ako sa tubig at tuluyan nang nilukuban ang aking katawan nang tubig.
Ang tubig na siya ring kumuha sa taong mahal ko."Lolo! Nakakatakot naman yun bakit siya nagpakamatay?" tanong nang isang bata.
"Ganyan ang mga kwento kwentong narinig ko tungkol sa tulay na kahoy na iyon." sambit nang matanda.
"Ngunit sabi nila ay sa tuwing magtatagpo ang liwanag nang buwan at ang tulay na kahoy ay nakikita mo roon ang dalawang tao na sadyang magkaharap lamang . Isang lalake at isang babae. Nakakatakot yun tapos pag nawala na ang liwanag nang buwan ay mawawala nalang silang bigla" natatakot na ekapresyon nang bata.
"Sadyang nakakatakot nga iyon apo. Ngunit diba mas nakakatakot ang umibig. Handa kang isakpripisyo iyong buhay makapiling lamang taong mahal mo. Sadyang natatangi ang kanilang pagiibigan. Nakakahanga "sambit nang Lolo.
"Ahhh parang liwanag ng buwan ang nagtatagpo sa kanilang pagibig!" masiyang sambit nang bata.
Ngumiti lamang rito ang lolo.
YOU ARE READING
Liwanag ng Buwan
Short StoryMagkikita rin tayo sa kabilang buhay. At dun natin ipagpapatuloy ating pagmamahalan. ~z.titus.p.