HSP Ch. 29

539 9 0
                                    

(Note: Hindi ko na pows maalala ang dapat na plot ng story na to at actually medyo hindi ko na nga kilala yung mga characters e. Natuklasan ko na may character pala dito na Harry Pride yung pangalan. Hahahaha! Kung di ako nagkakamali, protagonist siya. So ayon, tinamad ako mag review sa lahat ng chapter dahil mahaba na(para saken xD) kaya sorry talaga kung liliko ng bongga ang plot ng story. Anyway, I would still give the best shot tho. Salamat! ♥♡♥)

Nate's POV

"H-Huh? P-Parang wala naman akong nakita, Nate." Sabi niya pagkatapos ng bahagyang pagkatahimik.

Nag-alangan ako bigla sa sagot niya. Parang may tinatago si Kira.

"Kira, nakita mo ba siya o hindi?" Alam ko naman sa sarili ko na hindi nagsasabi ng totoo si Kira.

Napabuntong hininga siya.

Sinasabi ko na nga ba, hindi siya nagsasabi ng totoo.

"N-Nakita ko siya, Nate. Sorry." At napayuko siya.

Lumapit ako sakanya tapos ginulo ko yung buhok niya,"Wala kang dapat i-sorry, Kira," Tumingin ako sa kanya,"Pero teka, sino nga pala yung lalaking yun?"

Hindi siya nakapagsalita. May nararamdaman akong iba kay Kira at sa lalaking yun.

"Nate, wag kang magagalit."

Dun pa ako lalong nagtaka sa sinabi ni Kira. Ano naman sa tingin niya ang ikakagalit ko?

"Kira, anong meron? Alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo."

"Nate, kasi..."

Kinakabahan ako sa mga lalabas sa bibig ni Kira.

"Kasi?"

"Nate, kasi yung lalaki na yun ay--"

"Uh, sir! Excuse lang po. Iche-check lang po siya saglit at pupwede na po kayong makauwi." Biglang may pumasok na nurse sa kwarto na may bitbit na papel.

Naputol tuloy yung sasabihin ni Kira. Di bale, itatanong ko na lang sa kanya sa ibang pagkakataon.

Tumango lang ako sa nurse,"Sige po."

Ginawa na niya ang kung anu-anong check up kay kay Kira pagkatapos magsalita nung  nurse.

"Ayos na po, sir. Kira, ingatan si Baby, okay? Magpipitong buwan na yan. Extra careful lang ha?" Sabi niya habang nakangiti kay Kira.

Ngumiti din si Kira sa kanya,"Opo."

"Okay, pwede na kayong makauwi."

***

Author's POV

Inuwi na ni Nate si Kira sa tinutuluyan nilang bahay.

Alas nuwebe ng gabi.

Nagdesisyon si Nate na tabihan sa pagtulog si Kira para nandun siya kung may mangyari man na di kaaya-aya.

Magkatabi silang dalawa sa kama. Inuunanan ni Kira ang kaliwang bisig ni Nate habang nakayakap dito.

"Nate, salamat." Mahina at malambing na sabi kay Nate habang nakayakap.

Napabaling ang tingin ni Nate kay Kira na kanina pang nakatitig sa kisame ng kwarto. Ngumiti siya dito,"Trabaho ko yun, Kira."

Tumingin si Kira sa kanya tsaka ngumiti.

"Matulog na tayo, ha?" Sabi ni Nate at hinawakan ang pisngi ni Kira.

"Oo, Nate."

Mas humigpit lalo ang yakap ni Kira kay Nate ganun din si Nate sa kanya.

Alam ni Kira na masarap sa pakiramdam ang ganoong sitwasyon lalong lalo na kung mahal mo ang kasama mo. Alam ni Kira na sa lahat ng pinagdaanan niya, tanging si Nate ang ang umakay at nagalaga sa kanya. Wala nang iba kundi si Nate lang. Kaya si Nate lang dapat ang pagtuunan niya ng pansin kesa sa ibang tao. Lalong lalo na si Nathan Zac Acosta na iniwan at pinabayaan siya sa mga panahong kailangan niya 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon