Chapter 49

46 9 0
                                    

Therra P.O.V.

Pagkatapos kong asarin si Caltvex ay dumeretso na ako sa bahay

" Pumasok ka!" Maawtoridad na saad ni daddy

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Therra?" Galit na tanong nito

" Nananakit ka ng kapwa mo istudyante? Kailan ka pa lumabag sa mga utos ng miyembro!?" Galit na tanong nito

" May Dahilan ako kaya ko nagawa iyon" Mahinahong saad ko

" At ang dahilan mo ay ni minsan ay hindi ko tinatanggap dahil sa laki ng kasalanan mo!" Galit na saad nito

" Bakit ka ba nagkakaganyan Dad? Wala ka bang balak alamin kung anong ginawa saakin ng babaeng yon!" Galit naring sigaw ko

Napahawak naman ito sa sintido at saka galit na kinuha ang golf bat

" Dad!" Malakas na pagpapatigil ni kuya wesly ng makita niya ako

" Anong ginagawa mo sa kanya!?" Malakas na Saad ni kuya

" I want you to leave go to America or france stay there and don't come back" Galit at  maawtoridad na utos nito

" Hindi ako susunod, I'm not going anywhere without my brothers" Galit na sigaw ko kaya malakas niya akong sinampal kaya natumba ako

" Napaka bastos mo! Hindi ko akalain na may anak akong katulad mo!" Galit na sermon niya

" Bakit ba ako!? Ako na lang lagi ang mali sa paningin mo!" Galit na saad ko habang umiiyak

" Tinitiis ko ang lahat Dad! Pinapakisamahan ko ang kabit mo sa bahay nato at wala akong ginawang kahit ano sa mumunti mong anak sa pagkakamali!" Malakas na sermon ko sa kanya

" Pero bakit sa mata mo ay ako lang ang mali!? Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako at ikaw lang ang magiging dahilan paulit ulit"

" Ano!? Tumayo ka dyan at tuturuan kita ng leksyon " Mapangahas niya akong hinatak at ipinipilit na ipinapasok sa lugar na minsan ring dahilan ng paghihirap ko

" Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko Dad" Humahagulgol nang saad ko

" Dad Ano ba! Bitiwan mo ang kapatid ko" Malakas na pangaagaw saakin ni kuya at nagulat ako ng lumuhod ito

" I'm Sorry Dad Please stop! Please! Its my fault th--t--that she's like that so please let her be Dad please nakikiusap ako bitiwan mo ang kapatid ko" Umiiyak na saad ni kuya wesly

" Kuya ano ba!?" Malakas na saad ko

" Hindi matuto ang kapatid mo dahil palagi kang nakaalalay sa kanya " Galit na sermon nito saka hinatak parin ako mabilis namang tumayo si kuya at hinatak ako

" Tumigil ka na Pa! " Sigaw niya saka hinablot ako papalapit sa kanya

" Mr Wesly Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Sigaw ni Daddy

" You promised me that you won't hurt my sister , You promised to me Dad!" Singhal niya

" Really? Sige sumama ka saakin at ikaw ang pumuno sa kasalanan niya dahil kuya ka at bata siya ay mas angkop lang na ikaw ang mapunta sa kalagayan niya " Malakas na saad ni daddy saka niya itinulak si kuya sa loob ng kwarto

" Pa! Pa!! Kuya!! Kuya!!" Malakas na sigaw ko habang hinahampas ang pinto

" Dad! I'm sorry please stop!!"

" Dad I'm really sorry please tumigil ka! Kuya wesly sumagot ka kuya wesly ano ba! Pa! Pa!!" Patuloy parin ang pag iyak ko habang nakaluhod at nakikiusap sa labas ng pinto nito

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon