The Last Happiness

8 0 0
                                    

Umuulan na, ang sarap sa pakiramdam kapag karamay mo ang kalangitan sa 'yong kalungkutan.  Kahit ano mang masamang mangyare , kahit ano pang pasakit at hinagpis, mas pipiliin ko na lamang na maging masaya.
Wala akong alam kung saan man ako paparoon basta ang akin lang ay mabuhay ako ng masaya.

Tuwang-Tuwang si Cosmic habang nag lalakad siya sa ulan at biglang nakatanaw siya ng bahay na may pagkalumaan na.
Siya'y lumapit upang alamin kung mayroon nga bang nakatira sa tahanang 'yon.

"Tao po!, may tao po ba dito? tao po."ang paulit-ulit niyang winika habang nasa labas ng isang bahay.

Tumila na ang ulan ngunit wala paring nagbukas ng pinto, at dahil na rin sa pagod nakatulog na lamang ang bata sa harap ng isang bahay.

Maya-maya isang matandang lalake ang dumating at nabigla ito dahil wala naman siyang panauhing inaantay... Dahil na rin sa awa, minaigi na rin nito na ipasok ang bata sa kaniyang tinitirhan.

"Nasaan ako?... nasa kwarto ba ako?, nakakapagtaka naman ito? "

"Gising ka na pala bata!, ano pangalan mo?"
ang tanong ng matandang lalake kay Cosmic.

"Ako po si Cosmic Ralfaelo, kamamatay lamang po ng aking inay at itay sa isang aksidente"
ang tanging nasagot ni Cosmic sa matanda habang ito'y nakangiti.

"Huy! Bata huwag kang mag papakita ng isang bahid ng ngiti!, papayagan kitang manirahan sa aking tahanan ngunit panandalian lamang."
Ang tanging nabanggit ng matanda habang galit na galit  ito sa bata.

Lumipas ang dalawang araw ay nay kuha ng magtiwala ng matanda, ngunit ayaw niyang makakita ng mga bagay na nagpapasaya.
Ngunit sa positibong pananaw ni Cosmic naging masaya padin siya sa puder ng matanda.

Hanggang sa...

Nakita ni Cosmic ang matanda na kinakausap nito ang kaniyang sarili habang nakatitig  sa buwan.
Dahil nakakaramdam ng kalungkutan ang matanda lumapit ang bata at agarang niyakap ang matanda.

Laking gulat ng matanda dahil hindi niya inaasahang mayayakap siya ng mahigpit ni Cosmic at biglaang napatulo ang  luha ng matanda ng 'di inaasahan.

Nakadama man ng  panandaliang kasiyahan ngunit naalala nito ang mapait na sinapit ng kaniyang  anak at ang kaniyang asawa.
Dahil nagawa niya na ring pagkatiwalaan si Cosmic kaya kinuwento niya ito sa bata at dahilan kung bakit ayaw niya na ring maging masaya.

Kaarawan ng matanda nang araw na 'yon, napakasaya nila ng kaniyang pamilya dahil nagtungo sila sa 'sang bakasyon at sila ay papauwi na.

Nagkantahan kami ng  oras na iyon at nag karoon ng kauntibg biruan ngunit dahil sa labis na kagalakan ng aking anak  ang kaniyang laruan ay nalaglaga kaya nabaling aking  attensyion sa laruan, kaya di ko namalayan na may isang batang tumatawid sa kalsada.

Dali-dali kong inikot ang manubela, nagpaikot-ikot ang sasakyan hanggang sa nahulog ito sa 'sang malalim na bangin.
Nawalan na 'ko ng malay ng  oras na 'yon ngunit ng pagdilat ng aking mga mata, natanaw ko ang aking mag- ina na yakap ang isat-isa na wala ng senyales ng pagkabuhay.

Isang kahoy ang nakatusok sa 'king asawa habang ang aking anak ay di na makilala dahil ang mukha nito ay natabunan ng isang mahabang kahoy,tanging ako na lamang ang nabuhay sa mga oras na 'yon,ngunit hindi ko naramdaman ang aking buong katawan at umaasa na lamang sa 'sang himala.

Nang dahil sa wagas na kasiyahan, na aking nadarama ng mga oras na 'yon, minaigi ko na lamang na katakutan ang kasiyahan dahil kung ako'y sasaya pa baka may masama pang manyare.

Ang buong paglalahad ng matanda habang makikita sa kaniyang mga mata ang sakit at hinagpis na kaniyang pinagdaanan.

"Alam niyo po ang tunay na kasiyahan ay hindi kung ano ang nakikita natin, dahil ang tunay na kasiyahan ay ang ating nadarama at nararamdaman mula sa kaibuturan ating mga puso ...dahil ang ala-ala ng mga namayapa na ay mananatili lamang sa ating puso."

Hindi inaasahan ng matanda na ang mga salitang 'yon ay maririnig niya sa 'sang otso anyos na batang paslit. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla dahil kahit sino ay 'di mo maririnig ang mga katagang 'yon sa batang paslit.

Kaya napagtanto ng matanda na matagal na siyang nabulag ng nakaraan, at nakalimutan na nito ang pakiramdam ng pagiging masaya kaya pinangako niya sa kaniyang  sarili  na habang nabubuhay siya ay pipiliin niyang maging masaya kasama si Cosmic.

Bumalik na  sa dating sigla ang matanda, at makikita na rin sa kaniya ang mga matatamis na ngiti, mga halakhak na wala ng bukas.
Binuhos nalamang nito ang mga araw na magkasama sila nj Cosmic gaya ng paglalaro sa hardin ng mga bulaklak, pagluluto ng mga sari-saring putahe at ang mga bagay na magpapakasaya sa kanila.
Sa bawat gabing lumipas katabi na ng matanda si Cosmic sa kaniyang pagtulog at hindi nakatulog ang bata kapag 'di siya kinikwentohan ng matanda.

Ngunit may isang unos ang dumating sa buhay nila.

Umuulan ng araw na 'yon kasingtulad ng araw na nakita ng matanda si Cosmic.
Ngunit nag umpisa ng magdlim ang bawat ulap kalangitan at nag umpisa na rin ang mga malakas na kulog at kidlat.

laking pagtataka ng matanda, dahil bigla na lamang bumangon si Cosmic mula sa kaniyang malalim na pagkakahimbing.

"Cosmic... Saan ka pupunta?" Ang tanong ng matanda .

Ngunit si Cosmic ay nagpatuloy, parang wala siyang narinig sa tanong sa kaniya ng matanda, hanggang sa binuksan nito ang pinto at bigla na lamang lumabas ng walang pasabi.

Magkahalong takot at pagtataka ang bumabalot sa matanda dahil may isang unos pala ang paparating.

Sumigaw ang matanda ngunit hindi nito  nakuha ang attensiyon ni Cosmic kaya nagpatuloy sa paglalakad ang matanda.

Patuloy parin sa pagbuhos ang ulan, kasabay nito unti - unti na ring lumakas ang hangin.
Nagsisiliparan na ang mga dahon sa paligid mga tuyong sanga dahil sa lakas ng hangin.

Pilit pa ring pinipigilan ng matanda si Cosmic ngunit biglaang kumaripas ito ng takbo, ngunit dahil sa pag-aalala ng matanda pinagpatuloy parin nitong sundan ang bata, kahit na pilitin nitong tumakbo upang mahabol ang bata, hindi niya pa rin magawa dahil sa labis na kahinaan ng kaniyang tuhod.

Hanggang sa napatigil sa isang puno ng Sequoia si Cosmic at humarap ito sa matanda at biglang ngumiti, isang ngiting napakatamis.

Patuloy pa rin  sa paglapit ang matanda, ng nakalapit na ito bigla niyang niyakap ang bata at laking gulat nito na biglang naglaho si Cosmic, at kasabay nito ay tumigil na 
ang malakas na unos.

Napaluhod ang matanda, dahil hindi niya akalaing biglang mawawala sa isang iglap sa  kaniyang piling si  Cosmic.
Laking gulat nito na may isang napakatamis na tinig ang bumulong sa kaniyang tainga at nagwikang.

" Magpakasaya ka lang kuya, hangga't nabubuhay ka pa, dahil 'di gaya ko na pinagkaitan ng buhay... mahal kita kuya!
at hindi magbabago 'yan tandaan mo yan kuya"

" B-bakit! 'di ko na pansin!" ang tanging sigaw ng matanda.

Napatulo ang kaniyang mga luha dahil ang matamis na tinig na 'yon at wangis ng mukha ni Cosmic ay iisa sa mukha at tinig ng kaniyang nakakabatang kapatid.

Biglang sumagi sa kaniyang isipan ang alaala ng kaniyang nakakabatang kapatid na namatay mismo sa puno ng Sequoia.

Ang kaisa-isang nakakabatang kapatid niyang pinatay ng kaniyang sariling ama sa mismong puno na 'yon, isang batang pinagkaitan ng buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The last HappinessWhere stories live. Discover now