2.

92 24 0
                                    

"Sorry po pero hindi ko po talaga kilala kung sino." sabi ko kaya nagtawanan ang buong klase.

"Siya lang yata ang hindi nakakakilala kay Liam." sabi ng babaeng maganda at mukhang mabait.

"Mahina ka pala bro, nawala pagka-famous mo." sabi naman ng lalaking hindi kagwapuhan dun sa lalaking nakita ko kanina.

"Quiet! Doon, iha." turo ni ma'am sa tabi ng lalaki kanina. Hindi na ko nagulat.

"Sige po." sabi ko na lang. Kinakabahan ako! Ang sama ng tingin niya sakin, parang papatayin ako.

Umupo na ko sa upuan na tinuro ni Ma'am. Katabi ko yung Cong, tahimik lang ako pero alam kong nakatingin siya sa akin.

Nagfocus lang ako para hindi madistract ng katabi ko. Narinig kong tumunog na ang bell ring kaya lumabas na ang lahat.

May dala akong 50 pesos kaya lang mukhang hindi kakasya itong pera ko. Lumabas na ko ng room at nakita ko yung Cong na kausap ang mga grupo ng lalaki, siguro'y mga tropa niya.

Pumunta na akong canteen o cafeteria dahil may nakapaskil na Cafeteria doon. Malaki ang Cafeteria, mas maluwag sa aming room. May mga table din kaya maluwag.

Pumila ako sa bilihan at naghintay. Ilang sandali pa at ako na ang bibili. Pang mayaman ang mga tinda, mukhang hindi kakasya ang pera ko.

"Pabili ho neto." tinuro ko ang sandwich dahil iyon lang ang mukhang mura.

Inabot sa akin ng tindera ang sandwich. Ako  naman ay kinakabahan dahil baka kulangin ang perang dala ko.

"Magkano ho?" tanong ko.

"100." nagulat ako sa sinabi nya. Kulang nga ang pera ko!

Nataranta ang isip ko, saan ako kukuha ng pera? kulang ako ng 50 pesos. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Cong, mukhang naiinip na siya at ang iba pang nakapila.

"Ate, kulang yung pera ko."mahina kong sabi na halos pabulong na lang.

"Eh anong gagawin ko? Hindi na ito pwedeng ibalik." mataray na sabi ng tindera.

"Huwag na lang ho, hindi na lang ho ako bibili." sabi ko at umalis. Umupo na lang ako sa isang table at nagmasid-masid.

"Nakita kita kanina. You should eat." nagulat ako ng may lumapit sakin at tumabi. Inabot naman niya ang sandwich na dapat na bibilhin ko.

Siya yung magandang babae na kaklase ko rin. Mukha siyang anghel, mayaman talaga siya at bagay sa kaniya ang uniform.

"Salamat." dahan-dahan ko naman itong inabot at kinuha.

"Can I sit here?" tanong nya.

"Oo naman, salamat nga pala ulit."

"Welcome, what's your name ulit?" tanong nya.

"Grandis, ikaw?" sagot ko habang kinakain ang bigay niya.

"Jazmine, you can call me Jaz if you want." aniya.

"Nice to meet you, Jaz. Ang swerte ko at may mabait na tumulong sa'kin."

"Don't speak too much, tapusin mo muna ang kinakain mo." aniya na at natawa ako. Natawa rin siya.

Natapos na kong kumain at ngumiti ako sa kaniya.

"Ah Jaz, pwede ba kita maging kaibigan? Wala kasi akong kilala dito."

"Sure! Ako talaga ang dapat makikipag-friends sa'yo kaso inunahan mo naman ako." pabirong saad nito.

"Talaga?" ngumiti ako.

"Of course! Tara, balik na tayo sa room." ani niya at bumalik na kami sa room.

Nakangiti naman akong tumango. Hindi ako makapaniwalang nakilala ko si Jaz, sana nga ay siya ang magbabago sa pananaw ko.

Love Departure (Doctors Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon