Chapter 13

2.6K 87 4
                                    

Patuloy ang pagtakbo ng mga oras, kaya naman mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos na ang isang linggong bakasyon ng ama ni Faith sa Pilipinas. Kasalukuyan silang nasa Airven nang mga oras na iyon ng gabi. Ihahatid nya ang kanyang ama sa destinasyon nito. Pero syempre as a boyfriend, present din and prisensya ni Drake doon. At ang Private Plane nito ang kanilang gagamitin papuntang Bahrain.

Oo. Gagamitin nila. Dahil kasama sila ni Drake sa paghatid sa kanyang ama sa Bahrain!

Hindi nya nga akalain na napagkasunduan at napagplanuhan na pala ni Drake at ng kanyang ama ang tungkol sa pagbabakasyon nila sa Bahrain. Kaya naman napilitan tuloy syang mag-leaved sa trabaho upang mapagbigyan ang kagustuhan ng dalawa. Pumayag na rin sya sa plano ng mga ito upang makapag-pahinga naman sya. Ilang buwan na rin naman kasi syang naging abala sa kanyang trabaho. At isa pa, nami-miss nya na rin naman ang kanyang Lola Amirah. Ang hindi nya lang matanggap ay napagkaisahan sya ng mga ito. Ano pa kaya ang napag-usapan at napagplanuhan ng mga ito na lingid na naman sa kanyang kaalaman? Hindi nya akalaing magkakasundo ng ganun kabilis sina Drake at ang kanyang ama.

"Ready na ba ang lahat?" Napalingon sya ng marinig ang boses ni Drake mula sa malayo.

May kausap itong isang gwapo at kasing tangkad nitong lalaki habang naglalakad papunta sa kinaroroonan nilang mag-ama. Halata sa anyo ng lalaki na may lahi din itong banyaga tulad ni Drake.

"Don't worry, ako mismo ang nagpahanda ng sasakyan nyo." Sagot naman ng lalaki dito. "Sinisiguro ko muna ang lahat, lalo na kung ako ang gagamit." Dagdag pa nito saka ngumisi.

"Thank you, Pare." Nakangiting pasasalamat ni Drake sa kausap sabay tapik sa balikat nito.

"Your welcome. Kung wala lang akong kailangan sa Bahrain, hindi ako sasama sa inyo para ipagmaneho kayo." Sagot naman ng gwapong lalaki kay Drake.

Nang makalapit na ang mga ito sa kanila ay nakilala nya na kung sino ang kausap ni Drake. Si Lourd Venedict Steinberg. Ang bilyonaryong may-ari ng Airven Airlines.

"Ikaw ang piloto namin ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong nya kay Lourd.

"Yes beautiful. Ako nga at wala ng iba." Nakangiti namang sagot ni Lourd sa kanya.

Binalingan ni Drake ang kanyang ama. "Sir, I would like to introduce you to the owner of this Airven Airport. Mr. Lourd Venedict Steinberg. One of my friends." Pagpapakilala ni Drake sa kaibigan nito sa kanyang ama.

"Hello, Sir. Nice to meet you." Nakangiting saad ni Lourd sa kanyang ama and then he offered of handshake.

"Nice to meet you too, Mr. Steinberg." Nakangiting sagot din naman ng kanyang ama sa kaibigan ni Drake habang nakikipag-kamay dito.

"Mr. Steinberg is our pilot now on the plane we will use. Trust him, he is a good pilot, Sir." Sabi ni Drake sa kanyang ama. Kababakasan ng pagmamalaki ang tinig ng binata habang sinasabi iyon.

"Okay. If my daughter trust you two. I will also trust you too." Nakangiti namang sagot ng kanyang ama sa mga ito.

"Thank you, Sir. Have a nice flight." Nakangiting sagot din ni Lourd sa kanyang ama.

"Mauna na akong umakyat." Paalam na ni Lourd kay Drake.

Tango lang ang isinagot ni Drake sa kaibigan.

Nang makaalis na si Lourd ay binalingan naman sya ng binata. "Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Drake sa kanya.

"Oo. Naiakyat na lahat ng mga bagahe. Ikaw na lang ang hinihintay." Sagot nya naman dito.

"Ganun ba? Eh di tara na." Yakag na ni Drake sa kanila.

Kumapit sya sa braso ng kanyang ama. Tapos ay sabay-sabay na silang umakyat sa private plane na pag-aari ni Drake.



Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon