Jeepney love story

75 3 5
                                    

"Kasi naman kasalanan mo ito lahat e." Sabi ni Aezel sakin.

"E natakot kasi ako. Baka mamaya hindi niya ko sineseryoso" Sabi ko sa kanya.

"Pano mo naman nasabi na hindi ka niya sineseryoso nun?" Sabi sa akin ni Trixie.

"E hindi niya ko kinakausap sa personal dati" Sabi ko sa kanila.

"Hay nako, malay mo kasi ayaw niya lang ng masyadong reveal?" Sabi sa akin ni Tulip.

"Hindi ko alam, pakiramdam ko nga mali ginawa ko e" Sabi ko sa kanila.

"Pero gusto mo pa ba?" Tanong ni Mika.

"Hay guys. Wag na nga natin yang pag usapan. Sabi ko nga sa inyo diba? Pinasama ko na siya sa fireworks nung new year." Sabi ko sa kanila.

"Nako Danielle lokohin mo na lahat wag lang kami." Sabi ni Jeanne

"Guys naman, change topic na nga." Sabi ko sa kanila.

Magpapakilala pala muna ako. Ako si Danielle Agbayani. At ynug pinag uusapan namin? Yung relationship namin nung ex ko. Si Dean. Grade 7 kami nun nung naging kami.

At alam niyo ba kung bakit ko siya brineak? Oo tama yung nabasa niyo. Ako ang nakipag break. Kasi dati kami nga, pero nararamdaman ko lang na kami through text, call at chat. Kasi sa personal? Hindi niya inaamin.

Sa personal hindi niya rin ako pinapansin. Hindi ko nga alam kung bakit ganun siya sa akin e. Kaya ko siya hiniwalayan.

Pero ngayon? Alam niyo ba pinagsisihan ko yung ginawa ko. Kasi sana kung hindi ko siya brineak di sana hindi na siya naging cassanova. Di sana hindi siya gumagamit ng napaka raming rebound.

Kung hindi ko siguro siya hiniwalayan, di sana sa akin pa din siya sweet. Hindi sa iba. Ang masaklap nga kasi yung hanggang ngayon mag kaklase pa din kami.

Ang hirap para sakin yung ganun. Inaamin ko sobrang gusto ko pa din siya hanggang ngayon. Kaya ganyan ma nermon yung mga kaibigan ko.

Pero ipasintabi muna natin yang drama. Kailangan kasi naming mag focus. Last day na kasi ng practice at field demo na namin bukas.

Kaka akyat lang namin ng classroom kasi breaktime namin kanina. Pag akyat namin naglalaro sila ng tumbang preso.

Umupo ako sa tabi nung isa naming kaklase. Si Raysel. At dun ako nanood ng laro nila. Ang gulo ng mga to. Muntik ng masira yung props namin.

Di ko namalayan pag tingin ko sa tabi ko ay dun siya nakaupo. Nagulat ako. Nagkatinginan kami tapos umalis na siya tapis naglaro ulit.

Bakit ganun parang may something pa din? Na feeling ko may pag-asa pa? Pero binalewala ko nalang kasi kailangan pa naming mag focus.

Sana manalo kami bukas, sobrang hirap ng practice namin e. Kailangan na talaga naming ibigay yung best namin bukas.

---- Kinagabihan ----

Andito ako ngayon sa bahay. Piniplit kong matulog pero hindi ako maka tulog.

Hindi ko makalimutan yung kanina e. Bakit ko naramdaman yun?

Lord is this a sign na mababalik na yung dating kami? Na hindi na mauulit yung mga pag kakamaling nangyari dati.

Hay nako Danielle erase, erase, erase. Matulog ka nalang. Kailangan mo ng pahinga.

Ok pipilitin ko na talagang matulog.

---- Kinabukasan ----

Oh my gosh! Today is the day. Field demo na. Kinakabahan ako kasi kahit maayos yung sayaw namin, hindi mo naman maiwasang kabahan kapag kayo na yung nag perperform diba?

Jeepney (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon