KABANATA 05

44 2 0
                                    

KABANATA 05

Pagkatapos ng klase ay mabilis kong niligpit ang gamit ko at naglakad na palabas ng school. Hawak hawak ko ang folder ko habang hinahanap ko si Isaiah sa harap ng school.

Hindi naman ako nahirapan na makita ito dahil nangingibabaw talaga ang matikas na bulto ni Isaiah sa mga estudyanyeng dumadaan.

"Saan tayo?" Tanong ko paglapit ko sa kanya. Ngayon ko naisip kung saan ba kami gagawa ng project, hindi naman kasi kami pwede sa school dahil magsasara agad iyon paglabas ng mga estudyante.

"Sa bahay ko?" pagtatanong niya.

Nanlaki ang mata sa sinabi niya. Bakit sa bahay nila? No way. Ayoko. Umiling ako sa sinabi ni Isaiah.

"Wala ang parents ko kaya okay lang," aniya.

"Pero–" Hindi na ako naka angal pa ng nagsimula na itong maglakad kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod. Bakit sa bahay nila? Nakakahiya. Dinala niya ako sa harap ng isang kulay itim na Ford Mustang at pinagbuksan ako ng pinto.

"W-Wala na bang ibang place?" tanong ko sa kanya. Hindi siyang sumagot at hinawakan niya lang ako sa siko upang tuluyan na akong makapasok sa loob. Shit. Papatulong lang naman ako sa project ko e, bakit sa bahay pa nila?

Pinanood ko ang pag-ikot ni Isaiah papunta sa driver's seat at pasusuot niya ng seatbelt. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sitwasyon ko ngayon, nasa tabi ko si Isaiah Arcega habang sakay ng isang mamahaling kotse at pupunta kami ngayon sa bahay nila. Napalunok ako habang nag-iisip ng pwedeng sabihin.

"Hmm, Ahm..." Gusto kong batukan ang sarili ko dahil halatang kinakabahan ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. I'm nervous. Isaiah's presence is making my heart explode.

"Relax, I'm not going to eat you Nathalia," saad ni Isaiah na may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Totoo ba 'tong nakikita ko? Nakangiti si Isaiah? Bakit? Dahil sa akin? Mukhang enjoy siya na makita akong kinakabahan ngayon. Napasimangot tuloy ako.

"Cute." muli ko siyang nilingon dahil sa narinig ko. Ano daw? Did I hear him right? Did he call me cute?

"What?" I asked him.

"I said, you're cute Nathalia. Don't let me repeat it." mas naging malawak ang ngisi niya sa akin kaya napanganga ako.  Tama ba itong nakikita at naririnig ko? Lalo tuloy nagrebelde ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Pinaglalaruan ata talaga niya ako.

"Don't worry, wala ang parents ko nasa Manila. Mga kasambahay lang ang kasama ko dito," ani Isaiah nang makarating na kami sa bahay niya at iginigiya niya ako papasok. Sa sala ay pinaupo niya kaagad ako. Ang laki ng bahay nina Isaiah, parang doble ang laki nito kaysa sa bahay namin. Nakakahiya talaga, ako na nga lang ang nagpapatulong ay si Isaiah pa ang naabala.

May mga kasambahay akong nakita na dumaan at napalingon sa amin, pero hindi naman sila lumapit at nilampasan lang kami ni Isaiah.

Saglit akong iniwan ni Isaiah, pagbalik niya ay nakapagpalit na ito ng damit at dala na ang laptop. Umupo si Isaiah sa tabi ko at kinuha ang folder na dala ko. Habang tinitignan ni Isaiah ang folder ko ay may lumapit na dalawang kasambahay sa amin at inabutan kami ng maiinom na juice at sandwich.

"Thank you po," magalang kong wika sa mga ito, tipid lang silang ngumiti sa amin ni Isaiah ay iniwan na nila ulit kami.

Habang gumagawa kami ng project ay hindi ko mapigilan at napapalingon talaga ako kay Isaiah. Napaka gwapo niya kahit na naka pam-bahay lang ang suot niyang damit.

"Stop staring, you're distracting me, Nathalia," saad niya habang seryosong nakatingin sa laptop. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya dahil sa hiya. Nahuli niya akong tumitingin, my God!

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon