AIDEN
"WHAT'S your order, sir Aiden?" tanong ng babaeng barista. Dahil sa lagi kong pagpunta dito, naging ka-close ko na rin ang employees nitong coffee shop.
"One americano please," I said to her and smiled.
She blushed. Hindi naman na lihim na sa akin na may gusto siya sa 'kin. She confessed her feeling to me, but I said that I can only offer her friendship.
Aminin ko man o hindi, may tinitibokan na ang puso ko. First love never dies, I guess.
"Sir, nabalitaan mo na ba na may bago kayong katrabaho?" sabi niya habang ginagawa ang americano ko.
"Really? Nakilala mo na ba?" tanong ko.
Tumango-tango naman siya. "Oo, sir. Ang ganda nga, eh! Akala ko nga artista kasi pang-artista 'yung ganda. Madilat 'yung mga mata tapos parang anghel."
Tumango-tango naman ako. Hindi ako interisado kung may bago man akong katrabaho, pero may taong pumasok sa utak ko nang i-describe niya ang tinutukoy niyang bago kong katrabaho.
"Nandoon siya, sir, oh!" Tinuro niya pa ang isang table sa may corner ng shop.
Hindi ko makita ang mukha ng tinutukoy niya dahil nakatalikod ito sa amin.
"Ito na ang order mo, sir." Iniabot niya sa akin ang order kong americano.
Lumabas na ako ng shop. Isang tingin pa ang ibinigay ko sa magiging katrabaho ko, ngunit hindi ko na naman makita ang mukha niya dahil nakatalikod na naman siya sa akin.
I went to my cubicle. May tatlong meeting pa ako mamaya kaya inayos ko na ang mga kailangang papeles.
I am making a digital blueprint when my supervisor summoned me.
"Aiden, pwede bang ikaw muna ang mag-tour sa bago nating interior designer dito sa buong building? May urgent na gagawin pa kasi ako kaya hindi ko siya masasamahan," paki-usap niya.
"Okay lang, Ms. Pat. Mamaya pa naman ang meeting ko," sagot ko at nginitian siya.
Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Sabi ko naman sa 'yo na 'wag mo na akong i-'miss'. Limang taon lang naman ang tanda ko sa 'yo at parang magkapatid na tayo, 'no!"
I awkwardly smiled and scratched the back of my head. "Sige, Pat. Nasaan na ba 'yung sinasabi mong bagong interior designer?"
"Nasa lobby pa. Hindi pa niya kasi alam kung saan ang floor niya. Ikaw na rin ang mag-brief sa kan'ya tungkol sa mga gagawin niya." Tinapik niya ang balikat ko. "Sige na, pupunta na ako sa meeting ko."
Sabay na kaming sumakay sa elevator ni Pat. I can say that we are quite close. Siya ang una kong naging kaibigan sa lahat ng mga katrabaho ko kaya naging close kami kaagad.
May tinurong tao si Pat. "Siya 'yon!" saad niya bago nagpunta sa parking lot.
I walked towards the new interior designer. I can only see her back and her straight brown-ish hair.
"Hi, miss. Are you the newly hired interior designer? I'll be the one to brief you about what you are going you do," I said in a professional tone.
Humarap siya sa akin kaya nakita ko na ang mukha niya.
My eyes widened, my heart beat suddenly became fast, and bullets of sweat suddenly formed on my forehead. I am surprised to see her face and to know who she is!
There is a minute of silence between us. She is shocked, too! Halatang halata sa mukha niya na hindi niya inaasahang ako ang makikita niya.
Hindi ko rin inaasahang makikita ko pa siya matapos nang nangyari sa aming dalawa, matapos ang ginawa ko.
I don't know what to act! Parang biglang nawala ang professionalism ko at bumalik ako sa ako noong high school pa ako.
I cleared my throat to bring me back to my senses. "I-I'm Architect Aiden Ryder O. Caparas, the third in command in the Architecture Department and the one to brief you. Please follow me."
Tumalikod na ako at nagtungo papunta sa elevator. Mas mabuti na 'to para maiwasan ko siya kahit na ilang segundo lang.
Hindi pa ako handang makita siya ulit! Ano na naman ba 'to? Ito na ba ang parusa ko sa ginawa ko dati?
Lord, ito ka na naman!
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...