#1

17 5 0
                                    

Patay - Sindi

Kandilang itinirik sa sentro ng lamesa
ay tila ba mas maliwanag pa sa bombilya't gasera,
siyang nagsisilbing ilaw sa madilim ng tahanan
at siyang tagapagliyab ng mga mata ng iilan.


Ang parihabang papel na ilinukot kanina
ay pinaso paulit ulit hanggang ang dulo'y maging pula,
singhot at buga habang nananabik sa sarap
habang nakapikit na animoy lumilipad sa alapaap .

Kumalat ang usok na bumalot sa tahanan
dala ang bango ng panandaliang kasiyahan,
nag aanyong ibon na lumilipad sa kalangitan,
nananaghoy na tila mga bato sa kalawakan.

Sabay kapit sa halamang binilad niya sa araw
tt nasiraan ng kabaitan, ang pagkatino niya ay pumanaw,
Ilang kilo na ba ang sa kutsara'y ginunaw?
Ilang barya na ba ang sa bulsa'y naipataw?

Sila'y sumisiksik doon sa dilim ng kalsada,
Nagtitipon-tipon habang isa-isang bumubuga,
Mga taong nilamon ng mapanirang sistema,
Taglay ang mapanlisik at namamagang mata.


Una Mezcla de LetrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon