Kapag
Kapag hindi ka kumikilos, tamad ka
Kapag hindi ka nakapasa, istupido ka.
Kapag nakita kang umiiyak, mahina ka.
Kapag nagsuot ka ng maikling damit, pokpok ka na.Kapag mataas ang iyong marka, sipsip ka.
Kapag matakaw ka, patay-gutom ka na
Kapag mataba ka naman, baboy ka na.
Kapag hindi ka nakikisama sa gimik, killjoy ka na.Saan tayo lulugar? Saan magsisimula?
Kung sa bawat galaw mo'y maaaring makasira?
Maraming mga matang atat na makapanira
Ng buhay ng ibang tao pagkat wala silang magawa.Kailangan bang maging perpekto para walang maipintas?
Kailangan bang maging magaling upang matawag na pantas?
Saan tayo lulugar? Saan tayo magiging malaya?
Saan tayo makakakilos nang walang nakabantay na mata?Mag ingat ka sa bawat galaw mo
Sapagkat maaari kang mapahamak sa mga kilos mo,
Pero kaibigan isa lang ang maipapayo ko,
Husgahan ka man nila manatili ka lang na totoo !
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
Poesíamga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.