Umagang Pagpasok
Dalawang pulang linya ang umukit sa mata
Na siyang naging sanhi ng takot at pangamba,
Wala pa sa bente ang tanda mula nang kanyang magawa
Ang paputukin ang patpat sa loob ng madilim na kweba.Basong umiikot sa kinakalawang na lamesa,
Ano nga ba ang paksang ituturo ng roleta?
At ipinukol sa gawing hindi angkop sa mga bata
Na kapag tinangka mo'y dapat kang magtanda!Alas nuebe y media nang matapos ang pagkukumpulan,
At nilason na nga ng alak ang matino mong isipan,
Ang mga yabag ng makating paa'y hindi na pinakinggan
Nang hinayaan mong bumagsak ang Corregidor at Bataan.Bawat turok ng patpat sa napakasikip na butas
Ay nadama mo ang halimuyak ng iyong hilaw na rosas,
Sumabay ka sa agos kahit hindi mo tiyak ang tinatahak na landas,
Hinayaan mong balatan ka nang hindi inaalala ang bukas.Kinabukasan, dumampi saiyo ang mapait na umaga
Sa paningin mo ay bumungad ang iyong ama't ina,
Isang na sampal ang humalik sa pisnging namumula
Binaha ka ng buntal at sunod sunod na mura.Nagbalik sa isip ang kaganapang kinawilihan,
Habang nanginginig sa larong kanyang lubos na pinagsisisihan,
Isa lang ang kumintal sa napakahilaw mo na isipan,
"Huwag pasukin ang larong walang katiyakan"Pagkuwa, dalawang pulang linya ang umukit sa mata
Na siyang naging sanhi ng takot at pangamba,
Wala pa sa bente ang tanda mula nang kanyang magawa
Ang malunod sa sarap na kapalit ng matinding luha.
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
Poetrymga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.