Chapter 4

3 0 0
                                    

Pagkagising ko ay nag toothbrush at naligo na ako. Habang nagbibihis ako ng uniform ay naiisip ko pa rin yung nangyari kagabi.

Bigla na lang akong umalis kagabi pagkatapos ako mabangga ni Draven kase hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumaba na ako para kumain at nakita ko sila mommy at daddy na kumakain.

"Good morning baby" bati sa 'kin ni mommy at hinlikan ako sa pisnge. "Kain ka na" sabi ni mommy at pinaglagay ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Mommy hindi na ako baby, big girl na ako" reklamo ko dahil ginagawa niya na naman akong bata. Ganyan na talaga siya sa tuwing nandito sa bahay kase mas madalas sila ni daddy na nag-aabyad ng negosyo. Hindi naman ako nag rereklamo dahil lagi naman silang bumabawi sa 'kin.

"Awww dalaga na talaga ang baby girl ko" sabi niya na umaakto na parang umiiyak. Ewan ko ba, sa kanyan ko ata namana ang medyo pagkalakas ng amats ko HAHAHAHA.

"Kumusta ang paglalaro, Kai?" tanong ni daddy. Yan si daddy supportive sa paglalaro ko pero dapat hindi ko rin daw pinapabayaan ang pag-aaral ko.

"Okay lang dad, kaya na ata kitang talunin sa 1v1 HAHAHAH". Actually simula noong nag senior high school ako hindi na ako masyadong nakakapaglaro kase puro aral na lang ang ginagawa ko. Hindi katulad noong nasa JHS pa ako mas maraming free time.

"Sus marami ka pang kakainin na bigas anak" sabi niya sabay flex ng biceps niya.

Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos ko kumain dahil baka malate ako sa school. Habang naglalakad ako papuntang school ay may biglang bumatok sa'kin.

"Aray! gago ka Lance" kahit kailan talaga 'to si Lance nakaksinis.

"Bakit ka ba laging naglalakad? may kotse naman kayo" tanong niya.

Hindi ko ginagamit yung kotse na binigay ni daddy kase malapit lang naman yung school mula sa bahay namin, ginagamit ko lang pag may mga occasions.

"E anong pake mo?" sabi ko.

"Kung may kotse lang ako gagamitin ko yun palagi kahit sa pag-ihi sa kanto"

"Edi sa'yo na lang?"

"Talaga?" parang nagliwanag ang mukha niya.

"Gusto mo?"

"Oo gust----"

"Luh? asa ka" pambabara ko sa kaniya. Nakakatawa yung muka niya HAHAHAHA.

"Bwesit ka, pumasok na lang tayo"

Hindi ko namalayan na nasa school na pala kami kaya pumasok na kami sa room. Full sched kami ngayong umaga kaya pagod na pagod ang utak ko. Tapos na ang klase namin kaya pumunta na kaming canteen para mag lunch.

"Grabe anghirap mag-isip ng sagot kani sa essay" pagrereklamo ni Lance kase puro essay yung quiz namin sa marketing.

"Luh? may isip ka?"

"Alam mo minsan gusto na kitang tirisin" gigil na gigil siya pero parang tanga lang HAHAHAHA.

Pumasok na lang kami sa canteen at umorder ng makakain. Habang kumakain kami ay may biglang lumapit na batang lalaki samin siguro grade 8 siya.

"Ate boyfriend mo ba siya?" hindi namin alam kung bakit naitanong niya 'yun. Parehas nanlaki ang mata namin ni Lance at napahalakhak ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Ito? magiging boyfriend ko? HAHAHAHA, e kulang kulang yan e HAHAHA" grabe ang tawa ko.

"Anong ako? e ikaw nga yung kulang kulang dyan" ganti niya.

I'm in love with a GamerWhere stories live. Discover now