Meriedeth Salazar
Maaga akong bumangon, napatingin ako sa sofa bed na nandito sa kwarto ko. Tulog pa sila Shelanie, we shared my room, nasa kwarto ni Kuya Marcus sina Eryx habang nasa guest room ang magkapatid na Castro. Kasama namin dito sa Jezreal.
I silently walked out of the room and went downstairs. I can still remember their reaction when I said that this is our house.
"Kaninong bahay 'to, Meriedeth?" Melanie asked.
"H-Hoy Shark girl, baka patay tayo sa may-ari ng bahay na 'yan!" saway ni Rovic sa akin as I tried to open the gate.
"Kilala mo ba ang may-ari, Salazar?" tanong ni Eryx.
"Hija, anak ka ba ni Marco Salazar?" napatingin ako sa driver na tumulong kay Wesley na ibaba ang mga bags.
"Opo."
"Alam ba ng Lola mo na umuwi ka?"
"Bibisitahin ko pa siya bukas, po."
"Naku, wala si Manang Solidad, kakauwi lang nun. Bibilhan ko kayo ng maluluto para makakain kayo ng hapunan."
"Ako na ang sasama," sabi ni Wesley.
Sumama rin si Melanie at bumyahe na sila. Nabuksan ko na ang gate at pumasok na kami. Mabuti nalang may duplicate keys ako. Binuksan ko na rin ang main door para pumasok. I turned on the lights.
Napatingin ako sakanila dahil parang wala silang planong pumasok.
"Pasok na kayo, maraming lamok sa labas."
"Ang ganda ng bahay niyo, Salazar," komento ni Shelanie habang inililibot ang tingin sa loob.
"Bakit hindi mo sinabi na magkapitbahay lang tayo dito sa probinsiya?!" tinaasan ko ng kilay si Rovic.
"It's not that special."
I offered them to watch a movie as I settle things. Tinawagan ko si Kuya, his glad na nandito kami sa bahay. I asked him kung ayos lang ba na ipagamit ko kwarto niya and he agreed.
"Shelanie, sa kwarto ko kayo matutulog," tiningnan ko si Jezreal. "Also you, tara sa taas."
Agad silang sumunod habang dala bags nila. Pagbukas ko sa kwarto ko at namangha sila. Geez.
"Ang ganda ng kwarto mo, Salazar."
"Kulay blue lang naman 'yan. You can put your stuff here," sabay turo ko sa labas ng cabinet ko. "We will set up the sofa bed here," sabi ko at itinuro ang space between my study table and bed.
Bumaba rin kami, tinawag ko sina Eryx at Rovic. I lead them towards Kuya's room. Tinawag ko rin yung kambal at kuya ng kambal, hinatid ko sila sa guest room.
After an hour dumating na sina Wesley at sila na nagluto. I know how to cook pero, I'm not that confident sa skills ko. I'm not that confident to cook for a group.
Pagdating ko sa baba, may naririnig ako mula sa kusina. Pumunta ako doon at napatalon siya nang makita niya ako.
"Hindi ka man lang nagsabi na nandiyan ka, Meriedeth," sabi ni Wesley. "Good morning."
"Morning."
Kumuha ako ng mug at binuksan ang refrigerator. Ang daming laman, well, for three days here, I guess mauubos naman namin. Kinuha ko ang jar na nandoon. It contains milo.
Nagtimpla ako, I offered some to Wesley pero ayaw niya. Ngayon ko lang napansin, his preparing breakfast.
"Ang aga niyong bumangon para magluto," I said as I sat down in front of the bar counter and watch him chop the spices.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...