Bati na ba?

219 6 2
                                    

*HeavenInMyEyes*

Part16

Rio*
POV

Tinitigan ko si Calie.
Seryoso ang Reaksyon nito habang nakatingin Saken.
Iniisip ko naman na napaka Gago pala ng Abby na yun.

"B'Bakit naman nya ginawa yun?" Sabi ko.

"May gusto sya saken... Naglasing ako nung Gabing hinatid kita. Ayun, gumimik akong Mag-isa then nilapitan nya ko... One on one kaming Dalawa hanggang sa Nalasing na talaga ko ng tuluyan. Nagising ako nandun ako sa Bahay nya tapos pinapalabas pa nyang may nangyare samen kahit na alam kong Wala. Tapos umuwi ako. Sinalubong ako ni Mommy na bakit raw ganun yung sa Facebook ko Single na yung Nakalagay. Naiwan ko pala yung Cellphone ko kila Abby. Wala na kong nagawa tyaka nagtatampo ako nun Sayo kaya hinayaan ko nang ganun. Pagpasok ko sa Office sinisante ko sya kasi nakita ko yung Emails ko na sinend nya sa Lahat ng Tauhan ko na Wala na tayo... Kaya hindi ko alam ang gagawin ko... Then, nag apply si Mica nung umagang yun na Saktong paparating ka. Gusto kitang pagselosin. Kaya sinabihan ko si Mica na aakting kame... Nalungkot ako nung nakita mo kame. Wala na kong nagawa kaya Tahimik lang ako. Tapos tinamaan ako sa mga Sinabi mo pero hindi Totoong Sex lang yung Habol ko Sayo... Hindi totoo na ganun yung Habol ko." Sabi nito.

Yumuko ako.
Tumingin sa Lapag tapos sinusubukan na Kumalma sa Paliwanag nito.

"Grabe, ang dami talagang nagkakagusto sayo. Hm. Hindi ako makapaniwala na ganun yung Abby na yun. Nakakalungkot." Sabi ko.

"May dahilan kaya nangyayare to saten... Maiintindihan mo din yun pagtagal. Makikilala mo din ako.. Kung gusto mo kong kilalanin. Pero kung Masama pa din ang Loob mo. Ngayon... Okay lang. Gaya nga ng Sabi ko naiintindihan kita." Sabi nito.

Tiningala ko si Calie tapos pilit itong nakangiti saken.
Umatras na sya nang marinig naming nagsasalita si Mica sa Labas nitong Room ko.

"Halika na. Baka nandun na silang Lahat." Sabi ni Calie.

Tumango-tango ako.
Dala-dala ko parin tong Pitchel na tinimplahan ko tapos lumabas na kameng Dalawa dito.

"Sir, nagtext na po si Sir Dave. Nandun na raw po sila." Sabi ni Mica.

"Okay. Let's go." Sabi ni Calie.

Kinuha nya saken tong Pitchel tapos pumayag nalang ako para hindi ako magbitbit kase Medyo mabigat ito at malaking Pitchel kase ang tinimplahan ko.

Naglakad na kameng Tatlo.

**
Pagdating dito sa Meeting Place na pinag Meetingan namin kanina kumpleto na ang Lahat.

"Here comes the Princess." Sabi ni Lawrence.

Parang ako yata yung tinutukoy nya kase saken sya nakatingin.

Ngumiti ako tapos nagsi-upo na kameng Lahat.
Nilapag ni Calie yung Pitchel sa Mesa tapos nagtawag ng Service si Mr. Francisco.

"Hmm. Let's start to taste this." Sabi ni Mr. Francisco.

Kumilos na ko nang dumating yung mga Shot Glass.
Inasikaso ko ang pagsalin nang ginawa kong Alak dito sa Maliit at babasagin na Baso.

Tumayo ako at isa-isa silang binigyan nitong Gawa ko.
Pati ako meron pero...

"Wag kang iinom." Sabi ni Calie.

Nagtataka ako.
Pati yung mga nasa Paligid ko napatingin kay Calie nang marinig sya sa sinabi nya saken.

"Mr. Denver. What's going on?" Nag-aalalang Tanong ni Mr. Francisco.

"Hmp. Baka nilagyan ng Lason ni Calie to ah... Baka papatayin na nya tayo." Sabi ni Lawrence.

Heaven in my Eyes (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon