@jean-23-
This story is work fiction. Name, characters, places, and event are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual is purely coicidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!One shot.
Pumapatak na naman ang tubig na nagmumula sa ulap na sinasabayan ng aking mga luha sapagkat bumabalik na naman ang mga ala-alang nais ko ng kalimutan, kailan kaya ako makakalaya sa sakit na nararamdaman? Siguro nga ay hindi na ako makakalaya sa pasakit na ito, patuloy na lamang akong makukulong sa kulungan ng pasakit.
FLASH BACK:
Balak kong puntahan ang boyfriend ko ngayon ito kasi ang 1 year anniversary naming dalawa, kaya naman susurpresahin ko siya. Wala naman sigurong masama kung ako ang manurpresa sa aming dalawa ngayong anniversary namin, tyaka ngayong taon ko lang naman ito gagawin.
At dahil susurpresahin ko siya natural na hindi niya alam na pupunta ako sa kanila kinontyaba ko yung mga magulang at kapatid niya.
Nang makarating na ako sa bahay nila ay nagulat na lamang ako ng makita ko siyang nakadamit pang Sundalo, bigla na lang pumatak ang luha sa aking mata. Nakalimutan kong nagbigay siya sa 'kin ng memsahe na may gagawin siyang mission sa araw mismo ng aming anibersaryo.
Lumapit siya sa akin at pinusan ang luha na nagmumula sa mga mata ko "Hindi ko kayang Iwan kang lumuluha kaya paki usap wag ka ng umiyak!" hindi man lang ako nakinig sa sinabi niya dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak
“Pwede bang dito ka na lang? Wag ka ng umalis!" Nakita ko s'yang umiling at para bang hindi ko talaga siya kayang pigilan. Napaupo ako sa may sahig na kaagad rin naman niya akong itinayo at pinusan ang luha sa pingi ko gamit ang daliri niya."Pakiusap!" ani ko na nagmamakaawa.
"You're the bravest and the toughest woman I ever met!" Sabi niya na may pilit na ngiti sa labi, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi to.
"You can fight without me." hindi ko na siya maintindihan, "But I know you need me even if you can, wag kang mag-alala babalik ako sa 'yo ng buhay." Gumawa siya ng pangako, ngunit bakit pakiramdam ko ay hindi niya ito tutuparin?
"Mali ka mahina ako tuwing wala ka sa tabi ko, hindi ko kayang lumaban ng wala ka. Tama ka naman sa parting kailan kita." Saglit akong tumigil at nagpatuloy muli. "Ngunit alam kong may tungkulin Kang dapat gampanan, tungkulin na hindi dapat tinatalikuran." Muling tumalo ang luha sa aking mata na kaagad rin naman niyang pinunasan. Hindi dapat ako maging makasarili sa oras na may kinahaharap na kalaban ang bayang Pilipinas, hindi lang ako ang may kailangan sa kaniya pati na rin ang bayang ito na mas kinakailangan siya. "Pumapayag na akong ako'y iyong Iwan, ngunit pakiusap MAGBALIK KANG MULI!" Ipinagdiin ko ang tatlong salitang huling binitawan ko.
Tumayo ako ng tuwid upang bigyan siya ng isang sagrabong saludo.
"MAGBALIK KANG MULI!" Inulit ko ang tatlong salitang ipinagdiinan ko kanina, nakita ko siyang sumaludo rin sa akin.
"I promise! I'll be back into you alive."
Sana lang ay tuparin niya ang kaniyang pangako."AFP. Gabriel Antonio De luna." Huminga ako ng malalim. "Until we met again, Gabriel." Napasinghap ito sa aking sinabi.
"Why you didn't call me, My love?"
"Pssh!" Nakasimangot siya n'yan
"Until we met again, My love!" sabi ko.
Muli kaming sumaludo sa isa't isa."Paalam! Miraguel Lalaine Cristobal"
Sambit niya sa buo kong pangalan, at tuluyan ng umalis.END OF FLASHBACK:
Ngunit hindi niya man lang tinupad ang pangako niya, Nabalitaan ko na lamang sa Telebisyon na wala na siya.
Bumalik siyang bangkay, malamig, wala ng buhay!
Tumila na ang ulan ngunit patuloy pa rin ako sa pagluha!
Gabriel sabi mo'y babalik ka ng buhay! Bakit bangkay ka na ng aking masilayan?
Pagkakausap ko sa kaniya sa aking isipan.Padaya ka!
Napagpasyahan ko na lamang na matulog upang makatakbo sa sakit na nararamdaman ko.
YOU ARE READING
One Shot Collection
RandomKung may nakita man po kayong as in na ka parehas ng mga one shot ko sa may FB don't worry ako rin po ang nagpost no'n, hindi po ako nag plagiarism. Kalat-kalat po kasi sa FB kaya para malinis napagpasyahan kong I publish dito.