Chapter 52
Sobrang inis naman ang nararamdaman ni Devon ng mga oras na iyon dahil binabaan siya ng tawag ni Izack.
"Anak ng binabaan ako Arghhhh...... patay ka sakin Izack."sigaw nito.
"Hubby bakit ka sumisigaw?"sabi nito sa kanya.
Hindi naman ito pinansin ng binata.
Dinaanan nya lang ito at pumunta a sala upang manunuod ng basketball. Sumunod naman sa kanya ang asawa ngunit hindi niya parin ito pinansin."Hubby bakit ka hindi namamansin"
Tatayo na sana si Devon ngunit agad umupo sa kandungan nito si matty tsaka kumapit sa kanyang leeg.
"Pwede ba umalis ka dyan sa kandungan ko inaantok ako."kunyari ay pagalit na turan nito.
Hindi naman talaga siya matutulog dahil alasais palang ng umaga. Sinabi niya lang iyon para magpalambing sa asawa. Tatayo na naman sana ulit ang binata, pero ang babae ay
Kahit hindi naman talaga hahaha 6 o'clock palang naman ng umaga. Tatayo na sana ulit siya, pero ang higpit ng kapit ni Matty sa leeg ni Devon. Lalo naman naramdaman ng binata ang bigat ng asawa para ngang maiiyak na siya.
"Hubby ayaw hu hu hu"iyak nito.
Nang umiyak si Matty ay gusto nang bumigay ng binata ngunit pigilan nya muna ang sarili.
"HUBBY BAKIT KABA GANYAN HA!" Sigaw na nito.
Nataranta agad naman siya kasi alam niya kapag sumigaw na ito. Grabe kasi ito kung magtantrums ng asawa noong mga nakaraang linggo nanakit at halos mabugbog sarado siya ng mga araw na iyon.
Sandaling nagbaliktanaw naman siya sa araw na hindi niya malilimuta. Humihingi kasi si Matty sa binata nun ng Ice cream na may royal, na hinaluan ng chuckiee,tuyo at suka. Edi bilang masunorin na asawa ay binigay nya naman agad ito ang binata pa pa nga mismo ang nag halo nandidiri man siya sa amoy pati kulay ay tiniis niya parin para sa asawa.
Buong akala ni Devon pagkatapos niya itong gawin sa asawa nya ay ito ang kakain ngunit ang masaklap roon ay para pala sa kanya iyon.Noong una ayaw niya talagang tikman.
"Hubby favor naman please!"
"Yes wife?"
"Kainin mo naman itong ice cream please."
"Ah ehh wife busog pa kasi ako "
"Pero diba favorite mo ito?"
"Oo nga wife kaso lang busog talaga ako"
Nag iba awra nya nung time na yon parang hindi sya yung asawa ng binata.
"KAININ MO YAN DEVON! "Galit na utos nito sa asawa.
"Wife! Busog pa ako"
Patayo na sana si Devon nun , pero bigla itong napayuko kasi hinagisan sya ni matty ng kutsily* kung hindi ito naka - ilag. Baka may sugat na ang gwapo nyang mukha.
"Ano gusto mo pa ?"
"Wife sabi ko nga kakainin ko na yung ice cream"
Nag balik ulit sya sa pagiging childish nya.
"Wahh hubby talaga thank you mhuahh hehehe "sabay halik nito.
Sinunod nya ito, kahit amoy pa lang ay dina nya matake tikman pa kaya pero wala siyang nagawa. Mahal nya ito tsaka natatakot siyang balibagin pa ulit mahirap na.
Unang subo palang ni Devon ay nasuka na ito.
"Try mo hubby masarap yan"
"Ackkkk ackkk pweee pweee anong lasa yon nakakadiri"sabi nito.
Dali- dali siyang pumuntang banyo nun at doon inilabas ang sama ng kanyang loob.
Tuwing naalala niya iyon ay nandidiri pa rin siya. Laking pasasalamat rin niya ay wala na ang ganoong behavior ng asawa.
Napa balik na lamang sa kasalukuyan si Devon dahil sa lakas ng sampal ng ang asawa sa kanya hindi niya napansin itong umalis sa kandungan at tumayo sa harapan niya.
"Aray wife bakit ka naman nanakit dyan?"himas ang namumulang pisngi.
"Buti naman pinansin mo din ako"
"Oo nga wife sorry "
"Akala mo madadala mo ako dyan pwes hindi. Wag kang tatabi sakin ha."
Sabi nito sabay walkout at pumunta sa kwarto nila. Syempre sinundan niya ang asawa.
"Wife naman wag namang ganyan ohh"
Nandito na siya sa tapat ng kwarto nila at nagmamakaawang kumakatok sa pinto pero wala parin.
Makalipas ang ilang oras binuksan narin ni matty ang pinto ngiting tagumpay naman ang binata. Pero nawala rin iyon dahil ang bumungad sa kanya ay ang kanyang unan at kumot na inihagis sa kanyang mukha.
"Ayan sa sala ka matulog kung ayaw mo, malaki ang labas doon ka. Dalhin mo na rin yung mga damit mo."
"Sabi ko nga wife sa sala ako matutulog"
Imbis na sagutin ito ni Matty ay sinaraduhan lamang siya nito ng pinto. Pagka baba ng binata sa sala ay umupo naman siya sa sofa at doon naghihimutok.
"Mga Babae talaga! Nag lalambing ka sila pa ngayon ang galit . Pag sila nag - lalambing tudo suyo kami . Kapag lalaki na wala na sasabihin pa sayo mga babae kami dapat kami lang nag lalambing. Mga sira - ulo kababasa nyo yan ng wattpad."sabi ni Devon sa kanyang isipan.
Pero labas naman doon ang asawa niya, buntis ito kaya okay lang kahit ano gawin nito pero hindi pa rin maiwasan ang magdrama.
"Bilis ng oras kanina 6 am palang ngayon 8 na sige tulog na ako good night wife i love you hehe mhuahh"sabi nito sa malakas ng boses gusto niya kasing marinig ito ni Matty at doon nakatulog na siya.
Take Note: PLAGIARISM IS A CRIME YOU KNOW?
Ps by @adrindux16
BINABASA MO ANG
"My Childish Wife and My Mafia lord Husband "
Roman d'amourIsang babaeng isip bata,makulit at hindi mo aakalaing siya ay 18 years old na. Lumaki siya sa marangyang pamilya ngunit namatay ang ina nito kaya ang kasama na lamang nito ang kanyang ama at ang step mom nito na may isang anak na babae ito ay si ver...