"Blaire! Teka lang!" sigaw sa akin ni Christoff
"Oh bakit?" tanong ko
"Ah eh wala, sabay na naman tayo uwi ha", hiningal na sabi ni Christoff
"Oh sure! so tara!", at ayun naglakad na kami pauwi. Malapit-lapit lang naman ang bahay namin sa school kaya nilalakad ko nalang.
Si Christoff, siya lang ang ka-close kong lalaki sa school namin as in-close talaga or shall we call it 'bestfriend'. then minsan siya ang kasama ko sa park at dun kami tumatambay, siya rin ang kasama ko kung masho-shopping ako and guess what? Siya ang nagdadala sa mga pinamili ko, parang slave ko lang hahah! pero nagvolunteer naman siya eh kaya ayun siya na ang nagdadala. Siya rin ang clown ko kasi kung malulungkot ako, gagawa siya ng paraan para mapasaya niya ako. Mabait siya, gentleman at syempre gwapo. At dahil dyan sa lahat ng mga gina-gawa niya sa akin ay nagustuhan ko siya.
Sana gusto rin niya ako hindi lang bilang isang bestfriend
"Oh andito na tayo sa bahay niyo Blaire", sabi ni Christoff. Nakarating na pala kami dito hindi ko manlang namalayan
"Ay oo nga, sige bye Christoff", I said then papasok na sana ako kaso tinawag niya ako
"Blaire wait!", sabi niya at lumapit sa akin
"Oh bakit?", tanong ko pero lumapit pa siya ng lumapit kayo ako atras ng atras
"U-uy Christoff Ba-bakit?", nau-utal kong tanong hanggang sa na corner na niya ako. Ibinaba niya ang kanyang mukha kaya ang resulta ay magkapantay na kami
LUB DUB LUB DUB
Waaahh Hoy! baby heart wag ka ngang maingay dyan baka marinig ka ni Christoff kaya SHHH!! Aish para akong timang nito
"Blaire, may problema ka ba?", tanong niya, ang lapit talaga ng mukha niya
"A-ah wa-wala naman, bakit mukha ba akong may problema?"
"Wala naman, kanina kasi parang wala ka sa sarili mo. Sige Blaire una na 'ko, Bye", paalam niya with matching smile
Waahhh ang gwapo talaga ng bestfriend ko
* * * *
Nakahiga na ako sa kama ko ng may biglang nag text
*BZZT BZZT*
From: Christoff
Uy Blaire tulog kana wag mo 'kong masyadong isipin.
To: Christoff
Tse! Hindi kaya kita iniisip, yabang nito. Baka ikaw, iniisip mo ako no?
pero sa totoo lang iniisip ko talaga siya =)
*BZZT BZZZT*
From: Christoff
Sus! ikaw iisipin ko? di nalang hahaha...sige na matutulog na ako, ikaw din
matulog ka na ang laki na ng eye bags mo eh hahah joke lang..geh good night
Ouch!
To: Christoff
Hoy! FYI wala kaya akong eye bags sa ganda kong ito magkaka eye bags? Impossible, geh good night na oy
*BZZT BZZT*
From: Chrisoff
Eh di ikaw na maganda, geh matulog n talaga ako
Oh diba? Inaamin rin niya na maganda ako