Chapter 1- #1stdayhighblood

449 21 43
                                    

Gising na gising ang nanay ko nang magsabog ang Diyos ng kalusugan. Actually hindi kalusugan dahil hindi naman ako healthy. Let's say ng katabaan. Hindi naman sa sinisisi ko ang nanay ko at lalong hindi ko sinisisi ang Diyos. Alam naman nating ganito talaga ang buhay. May maganda, may panget. May matalino at meron ding mahina. May payat at may matabang katulad ko. 15 years na'kong nagsusumiksik dito sa masikip nating mundo. Ewan ko na lang kung hindi pa'ko nasanay sa mga bilbil na'to.

Sabi nila, mahirap maging mahirap. Oo mahirap nga siguro. Pero sa'kin mahirap maging mataba. Oo mahirap. SOBRA. Sa madaming kadahilanan. HAY buhay nga naman.

First day of school ngayon. Isa kong highschool student sa isa sa mga schools dito sa Makati. Graduating student ako at running for Valedictorian.

"Ben, hindi ka pa ba tapos diyan? Halika na. Bumaba ka na diyan at lalamig na'tong breakfast.",ang sigaw ng nanay ko mula sa dining room.

Uggggh.... Uuuuuggggghhhh...

Heto nakahiga pa rin ako sa kama. Hindi dahil hindi pa'ko bumabangon kundi ibunubutones ko ang aking pantalon. Oo tama. Mas madali kasing isuot ito nang nakahiga. Pilit kong pinipigil ang aking paghinga upang maibutones lamang itong lintik na pantalon na'to. Maswerte na'ko kung hindi matatanggal itong butones sa tagal nang pakikipagsapalaran ko sa kanya.

"1st day of school ngayon. Please lang makisama ka namang butones ka!"

"Ah!", ang hindi ko mapigilang pagsigaw nang natanggal ang butones ng aking pantalon. Kaya naman ilang sandali lamang ay inakyat na ako ng nanay ko sa aking kwarto.

"Ano na naman ba yan, anak?", ang pag-aalalang tanong nito.

Kinuha ng nanay ko ang belt na nakasabit sa likod ng pinto at iniabot sa'kin.

"Tumayo ka na nga diyan. Mag-belt ka na lang muna. Itatahi ko na lang mamaya itong butones pag-uwi mo. Sige na malelate ka na."

Tumayo na'ko at kinuha ang belt at akin itong isinuot. Kumuha rin ng face towel ang nanay mula sa drawer at sinimulang punasan ang aking mukha, leeg at mga braso. Napansin niya kasing para na'kong naligo sa pawis. Daig ko pa ang nagwork-out.

Kinuha ko ang bimpong hawak ng nanay ko.

"Ako na Ma! Kaya ko na po ito."

Nang matapos ko nang punasan ang aking pawis. Iniabot naman ng nanay sa'kin ang polo ko. This time hindi naman na'ko mahihirapan isuot ito. Saktong sakto naman sa'kin ang size nito. Yap you're right. Sa laki kong ito, 4XL ang size ng mga damit ko. Mula sa sando hanggang brief plus size.

"OK sige. Bumaba ka na after that huh?"

"Opo Ma."

Hay salamat! Para 'kong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang maisuot ko na ang school uniform ko. Kaya naman I AM READY! I'M READY TO EEEEEEEEEAAAAAAATTTTTTT!!!

FRIED RICE
ITLOG
HOTDOG
FRIED CHICKEN
LECHON KAWALI
CHOPSEUY
SAGING
FRUIT SALAD
COFFEE JELLY

Oo. Ganyan kadami ang nakahain sa hapagkainan tuwing kakain ako. Mas marami pa kung minsan. Breakfast lang yan huh. Parang wala ng bukas. EAT ALL YOU CAN.

Sino ba naman ang hindi tataba nito kung ganito lagi ang nakikita mo sa iyong harapan. 1st day of school lang pero parang bibitayin na'ko maya-maya lang.

"Sige na apo. Kumain ka na at baka malate ka pa sa klase.", ang wika ng aking lola habang nakatingin sa pagkain ko.

"E kayo po Lola? Bakit hindi pa kayo kumakain?"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon