Inakyat ni Seth ang malapad na bato na hagdan, mabilis ang pintig ng kanyang puso, bakit ba ganito ang nadarama ko?, ang tanong niya sa sarili, kinakabahan ba siya? Dahil ba sa makikita niyang muli ang babaeng pinagpalit siya sa isang anak ng gobernador? Ang tanong niya sa sarili.
No, hindi ako kinakabahan at mas lalo na hindi iyun dahil sa babaeng nasa loob ng bahay na iyun, ang sabi ni Seth sa kanyang sarili habang umakyat siya sa bataong hagdan.
I’m just exhilirated, dahil ang sandali na ito ay ang simula ng paghihiganti ko at uunahin ko muna ang dalawang mag-asawa, ang sabi ng isipan ni Seth habang nakatayo siya sa harapan ng malaking pintuan na kahoy ng bahay ng mga Kirkland.
Hinawakan niya ang doorknob na gawa sa brass at kanyang pinihit iyun at itinulak kasabay ng kanyang unang hakbang papasok sa loob ng bahay, na sumisimbolo sa katayuan ng mga Kirkland, noon.
At pagpasok nga niya ay agad na napadpad ang kanyang mga mata sa mukha ng babae na noon ay nag-udyok sa kanya na mangarap. At ang babae rin na nag-udyok sa kanya na hindi na muling maniwala sa pag-ibig.
Nakita niya kung papaanong nanlaki ang mga mata nito sa gulat at napaatras pa ito para sumandal sa katabi nitong kapatid na lalaki.
Matikas siyang naglakad papasok at papalapit sa receiving area ng bahay, kung saan naroon ang mga naglalakihan na mga muwebles na naghuhumiyaw ng yaman noon ng pamilya. Nakangising lumapit siya sa mga ito at saka niya tiningnan ang kanina lamang na masayang mukha ng mag-asawa, na sa sandaling pumasok siya ay nabura sa mga mukha nito ang malalapad na ngiti.
“Anong ginagawa mo rito? !”, ang galit na sigaw ni Gaston Kirkland sa kanya at kitang-kita niya ang mga pamumula ng mukha nito sa galit sa kanya.
“Oh, Mister Kirkland, magkakilala po ba kayo ng kliyente ko?”, ang nakangiting tanong ng kanyang abugado na si Atyy Ceresco sa kanina lamang ay namumulang sa galit na si Gaston, pero nang sandali na iyun ay tila nagripuhan ito ng dugo at naubos ang lahat dahil sa namumutla na ito.
“He’s Mr. B?”, ang di-makapaniwala na tanong ni Marian ang asawa ni Gaston na labis ang panlalait na tinamo niya noon.
“Yes, I am Mr. B, Buenavidez”, ang mayabang niyang sagot at nginisian niya ito.
“Oh shit”, ang narinig niyang sambit ni Rauke ang bunso ng kapatid ni Gabriella na noon ay maliit pa lamang na bata noong huli niya itong nakita.
“Uh tama ka Rauke, I was a shit, sa standard ng mommy mo noon”, ang nakangiting sagot niya rito.
“Hindi, hindi ako papayag na mapangasawa ng katulad mo ang anak ko!”, ang galit na sigaw sa kanya ng babaeng Kirkland.
Tumayo siya sa harapan ng mga ito, balewala at ni hindi man lamang siya naapektuhan sa mga galit na tingin na ibinabato sa kanya ng mag-asawa. Batid naman niya na walang bahid ng galit ang magkapatid na Alaric at Rauke sa kanya noon, hindi niya lang masisigurado iyan sa sandali na iyun dahil kukunin na niya ang lupain ng mga ito.
“Maganda sa leeg mo ang swarovski necklace na iyan Elvira, at salamat sa thank you note na natanggap ko kapalit ng sets of jewelries na ibinigay ko sa iyo”, ang sarkastikong sagot niya rito para ipamukha niya sa babae na iyun na mukha itong pera.
May pinagmanahan talaga ang anak, ang bulong ng isipan niya.
“At mukhang nagustuhan ni Gaston ang mga cigar boxes na ipinapadala ko sa kanya, pati na rin ang mga chips na ginagamit mo sa tuwing nagka-casino ka”, ang saad naman niya kay Gaston.
“Now, shall we start? Para matapos na ito at makalibot na ako sa rancho ko”, ang saad niya.
“Hindi mangyayari iyan! Niloko mo kami!”, ang galit na sigaw ni Gaston sa kanya, na sa mga sandali na iyun ay tingin ni Seth na aatakihin ito sa puso sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981