FRES CANDY
Kakagaling ko lang ng canteen nang pumasok ako sa classroom namin. Naabutan ko ang ilan sa mga kaklase naming nakapabilog at nakaupo. Palibhasa'y uwian na. Bell nalang ang hinihintay.
Agad akong lumapit nang makita kong kasali si Cheri sa kanila. "Psst, anong ginagawa nyo?"
Tanong ko sa best friend ko.
"Truth or dare, beh." Anito nang di tumitingin sakin.
Agad naman akong ngumiti. "Uy pasali!" Malakas kong sabi sa kanila habang sinusubukang isiniksik ang sarili ko sa tabi ni Cheri.
"Ngek... di na pwede! Marami na kami oh!" Biglang sigaw nang isa sa mga kaklase namin.
Ipinalibot ko ang tingin ko. Bwiset... parang whole classmates ko yung nandito ah?
Napabuntong-hininga nalang ako. " Ano ba yan! Sasali na nga lang, di pa pwede!" Padabog kong maktol habang patalikod sa kanila.
"Kain ka kasi nang kain, yan tuloy, nahuli ka!" Napatingin bigla ako kay Garry nang magsalita ito. Iniinis na naman ako pero imbes na mainis ako, pinatibok bigla ng mabilis ang puso ko.
"Anak ng kapre, ulol!" balik asar ko sa kanya sabay ikot ng mga mata. Padabog akong umupo sa upuan ko at sumandal sa may bintana.
Garry is my greatest enemy since I transfered on this school when I was in grade 8... or maybe it is only me who I saw him that way?
Well, nagsimula ang away namin noong aksidente nya akong nabangga at nahulog ang cellphone ko. I know that it was just an accident and nabilhan naman agad ako ni dad ng bago, but my phone has most of my important files and favorite music on it at sa kasamaang palad, nasira iyon at hindi na pwedeng maayos. At dahil, tamad akong magdowload ng kahit ano sa phone ko, nagalit ako.
He tried to say sorry to me and tried to fix the conflict that we had, but too bad I hated him already. Hanggang ang sa mga paghingi nya ng tawad ay napalitan ng pang-aasar niya sa akin.
He started to call me names like "highblood" or "Hitler's daughter" like, what the hell?! Kaya walang araw na walang away na nangyayari samin. May ikalawang beses pa nga kaming napunta sa principal's office nang dahil sa pang-aasar nya sa akin na siyang ikinapikon ko. Until now that we're in 10th grade ay hindi nya parin ako tinatantanan!
But as the time passes and the leaves fall, It sounds so weird and I hate to admit it but my heart was starting to have feelings for him! It sounds so ridiculous at hinding-hindi ko iyon matatanggap! Hindi ko alam kung saan nagsimula basta naramdaman ko nalang 'yon. Ayoko naman talaga sa kanya eh! Pero dahil nagtaksil ang puso, wala akong magagawa!
Inaamin ko, Garry has this undeniable charisma. He's moreno, slightly chinito eyes and thick brows and his most charming dimples that can make girls lost their muscles if he smiles! Ang rami ngang nagkakagusto sa mokong na yun eh. Feeling ko nga buong campus nagkakagusto ron! But still, I hate him and that's what I felt for him!
For the past few years, I kept on admitting that he's the worst man I've ever met but damn, Cupid just found a new toy for him to play, and that is my heart.
"Haha! Garry pano yan? Truth or dare?" Biglang napukaw ang pandinig ko nang marinig ko ang pangalan niya.
"Dare!" Malakas na sabi nito.
Hindi ko makita ang ginawa nila dahil nakatalikod ako sa kanila. Kaya nagkunwari akong umikot at humarap sa bag kong nasa likuran ko para kumuha ng kahit anong gamit na magamit ko sa secret agenda ko. Kitang-kita ko siyang malapad ang ngiti at sabik na sabik sa i-dedare sa kanya.
