Unang week ng christmas break andito ako ngayon sa bahay.. Sa Bahay ko, oo dito sa bahay na kinagisnan ko, bored na bored na ako dito dahil bukod sa hindi ako lumalabas wala pa si mamsh.
Nasa cebu ngayon si mamshi dahil binisita nya ang puntod ni lolo't lola, ayaw niya nga akong pasamahin ewan bakit...Gusto kong lumabas pero di ko alam saan ako pupunta bihira lang kasi ako lumabas tapos Hindi ko pa kayang puntahan yung asawa-- este yung babaeng iyon. Malay ko ba kung masama pa loob nun sakin edi kapag nakita niya ako masisira lang araw nun? Baka mamaya patayin pa ko nun dahil masama ang loob sakin..
Nakapangalumbaba ako ngayon at naka tanaw sa malayo sa bintana ng kwarto ko.. Bored na bored na ako rito.. Ewan ko anong nararamdaman ko ngayon, Aaminin kong mejo miss ko iyong pangungulit niya sakin, like for example bubwesitin niya ko sa pamamaraan niya ng pag tawag sakin ng baby beeb or yung pag sunod sunod niya sakin. Akalain niyo iyon? Nakaka miss rin kaingayan niya? Napatingin ako sa mesa kung saan nakapatong ang phone ko dahil nag vibrate ito, agad ko naman itong kinuha at pag tingin ko si mamshi pala ang lumabas sa caller ID.
"yes mamsh?" tanong ko.
[nak musta ka?]
"ok lang mamsh, napatawag ka? May problema ba?" tanong ko
[well wala naman pero nag aalala kasi ako sayo anak.] napakunot noo naman ako sa sinabi ni mamsh
"ho?" tanong ko
[tinanong ko kasi si cris kung lumalabas ba kayo pero sabi niya di daw...Ok ka lang ba?] tanong ni mamsh na ikina kunot noo ko.
"ha? Mamsh oo naman, shempre naman mamshi christmas break malamang sa malamang di talaga ako gagala tsaka dati naman di naman ako gumagala ah? ka lerke ka mamsh parang di kana nasanay sa maganda mong anak. " sabi ko.
[nak, kahit na anong sabihin mo anak kita kaya memorise ko pati hininga't utot mo.] sabi niya mejo napatahimik naman ako
[si alexa ba?] bigla akong nakaramdam ng kaba ng mabangit ni mamshi yung pangalan ni alexa, ewan ko ba pero bigla akong napa iwas ng tingin kahit wala naman si mamsh sa harap ko.
"h-ha? Bakit naman napunta sa babaeng iyon ang topic mamsh?" tanong ko na kunware di ako apektado.
[anak, bulag lang ang kaliwa kong mata pero di ako tanga. Kahit na wala ako sa tabi mo sa tingin mo ba di ko mapapansin? Bago ako pumunta rito sa cebu pansin ko nang panglalamya mo. Nung araw na iyon tanging sabi mo lang sakin is nag away kayo ng kaibigan mo, tapos pansin ko rin na di na bumibisita si alexa sa bahay.] sabi niya.
"na aalala niyo pa po ba iyong kinu kwento ko sa iyo na babaeng patay na patay sakin simula first year ako?" napakunot noo si mamsh na para bang inaalala niya yung sinabi ko.
[yung.. Sabi mong creepy na babae?] tanong niya
"si alexa po iyon."
[ahh siya pala iyon.. Akalain mo ano? Ang liit talaga ng mundo.] parang di maka paniwala na tanong ni mamsh.
[eh teka nak, balik ulit tayo sayo. Bakit ka nag kaka ganyan? ano bang nangyari?] mausisang tanong niya.
"nasaktan ko po siya ng Sobrang sobra mamsh."sagot ko then narinig kong napa 'ow' nalang si mamsh.
"nasaktan ko po siya ng sobra na umabot na sa point na ayaw niya na akong makita.. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, ito naman po iyong gusto ko dati pa yung.. Tigilan niya na ako, pero ngayon mamsh.. Sa totoo lang.."
[na mimiss mo siya?] tanong ni mamsh at tumango ako Kahit di niya nakita.
"well, not exactly.. I mean oo miss ko yung pangungulit niya but not her." sagot ko at napa chuckles naman si mamsh.
BINABASA MO ANG
I'm a Gay but my Wife is a Mafia Boss [completed]
Novela JuvenilOk... my beautiful story starts like this.. Once upon a time may isang babaeng patay na patay sa kagandahan ko. Her name is Alexa Mae Tuazon, Matagal niya na akong crush, simula 1st year high school ay crush na crush niya na talaga ako until now na...