=4=

2.2K 47 1
                                    

"Hindi pa man kayo kasal. Pero gumaganda na ang buhay natin, 'di ba?" Napalingon ako sa boses na iyon.

It's early in the morning, nakatayo ako sa balcony. Ako nalang ata ang hinihintay nila para sa breakfast.

"Lalo na kapag kasal na kayo. Magiging kabilang na tayo sa mga Montreal." Tumabi na sa 'kin si Mama.

Habang pinagmamasdan ko s'ya ay napakaganda ng pagkakangiti n'ya. 

"In short," sinadya kong binitin ang sinasabi ko para tingnan n'ya ako. "Gagamitin natin sila para yumaman." Halos matawa ako. Unti-unti namang naging hilaw ang ngiti ni Mama. "Hindi ba't mali 'yon? Bakit 'di tayo magsikap para sa sarili at pamilya natin?"

She paused for a minute. "Nasasabi mo lang 'yan, dahil kuntento ka na sa ganito. Hindi ka marunong mangarap. Palibhasa 'di mo naranasan ang paghihirap namin ng Papa mo."

"May pangarap ako, Ma. Kaya nga ako nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral."

"Hindi sapat 'yon, Zea." Her expression become emotionless. 

"Sa ngayon, Ma."

"Sa ngayon." She sighed. "Sa ngayon, maayos na." Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat. "Ilang araw nalang, ikakasal ka na."

"Ma? Talaga bang gusto n'yo kong ipakasal para makatanaw kayo ng utang na loob? O para makuha n'yo ang yaman ng mga Montreal?" Akala ko magagalit sa 'kin si Mama dahil hindi ko napigilan ang bibig ko.

Nagulat ako sa biglaan n'yang paghalakhak. Umumuga pa ang dalawang balikat n'ya sa sobrang katatawa.

"What do you think, Darling?"

Umawang ng bahagya ang labi ko. Akmang sasagot na 'ko ng unahan n'ya ko. "Shut your mouth." Lumakad na s'ya palayo.

Sinundan ko s'ya ng tingin. Napailing nalang ako, nakakadismaya. Hindi ganito si Mama. Yes, she's so strict, pero ang pagkakakilala ko sa kanya ay hindi s'ya nanggagamit ng ibang tao.

Three days before our wedding ang dating ng mga kaibigan namin. Naghihintay kami ni Mattheo rito sa labas ng hotel nila. Unang dadating ang grupo ng mga kaibigan n'ya.

Sa mga nakalipas na araw, palagi kaming busy. Lalo nasa pre-nup namin. Nahirapan ako ro'n dahil sa mga damit na gusto nilang ipasuot sa 'kin.

Hindi nagtagal ay may huminto nang Van sa harap namin. Bahagya akong tumabi nang bumukas ito.

Pinagmasdan ko si Mattheo na salubongin ang mga taong bumaba ro'n. Nakita ko rin s'ya na ngumiti at bahagyang tumawa ngayon.

Halata sa postura at pagsasalita nila na mga anak mayaman. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mattheo, pero nawala 'yon nang lampasan n'ya ko, dumaan sila sa harap ko ng mga kaibigan n'ya. Sigurado akong nakita n'ya ko, at alam n'yang magkasama kami, na nadito ako.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon