CHAPTER 1:

84 13 2
                                    

AWILEIH MOONSTAR'S POV

NAGISING AKO ng may maramdamang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bahagya akong tumagilid sa kama para maiwasan iyon at mahigpit na niyakap ang malambot na unan na nasa tabi ko.

Kaysarap matulog, malamig na hanging nagmumula sa malaking aircon, kamang pagkalaki-laki at malinis na paligid. Kay bango rin ng silid na mas lalong nagpapasarap sa aking pagtulog. Napangisi na lang ako sa mga bagay na mayro'n ako, bagay na sobra-sobra ngunit may kulang pa rin akong nakikita.

Aanhin ko naman ito kung wala akong kasalong mga mahal sa buhay? Iyon lagi ang sinasabi ng karamihan, hindi ba? Mas pabor sila na kahit mahirap lang ang buhay ay may maipagmamalaki naman silang ginintuang pamilya.

Ang ngisi ay nawala sa aking bibig. Napalitan iyon ng lungkot ngunit agad din iyon nagbago! Umukit ang gulat sa aking mukha at mabilis na nagmulat ng mga mata.

"POTCHA! LATE NA KAMI!!" Napabalikwas ako sa kama at natatarantang kinapa ang relo na nakapatong sa table ko! Sinag ng araw ang nagpabalik sa reyalidad ko!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakaguhit sa orasan! 7:15am na! 7:45am ang oras ng pasok namin! 'Nak ng teteng naman! Dali-dali akong lumabas at nagbunganga roon!

"MAXMOON SPY!! Anak ng! Anong oras na!?" Sigaw ko sa harap ng mga kwarto nila.

Bumukas isa-isa ang pinto ng kwarto at bumungad sakin ang apat na tila kababangon lang din sa higaan! May nagkukuskos ng mga mata, naghihikab at nag-iinat sa harap ko! Napasabunot na lang ako sa buhok ko!

"Ya! What's wrong?" Nakapikit na usal ni Lexi habang naghihikab muli.

"Anong whats wrong?! 7:15am na! Late na nga tayo sa pag-enroll, late pa rin tayo hanggang sa pagpasok! Aishh!" Nasapo ko nalang ang aking noo.

"W-what?!" Rumehistro sa gulat ang mukha ni Lexi at dali-dali tumingin sa relo.

"Bakit kasi late kayo gumising?!" Bulalas ko. Napayuko sila sa harap ko at isa-isang inamin ang dahilan.

"Sorry, nalibang kasi ako sa panonood ng... Korean drama kaya madaling araw na 'ko nakatulog.." Putol-putol na paliwanag ni Lexi habang nakatingin sa malikot niyang kamay.

"Nalibang rin ako sa paglalaro kaya anong oras na rin ako natulog." Dahilan ni Ayen saka nakangusong kakamot-kamot ng ulo.

"At kayo?" Baling ko sa dalawa.

"Napasarap ang tulog ko.." Sabi ni Ainsley at napatingin ako kay Keisline.

"Hehehe.. g-gano'n din ako e, napahimbing ang tulog ko, sowwy.." Sagot nito.

"Bakit hindi man lang kayo nag-alarm?" Anang ko.

"Bakit? Late ka rin naman nagising, ah?" Bigla ay sambit ni Lexi.

"Oo nga, bakit nahuli ka ng gising?" Gatong ni Keisline at ibinalik rin sakin ang tanong.

Umiwas ako ng tingin at kakamot-kamot sa batok. "Eh, kasi.. t-tinapos ko pang basahin iyong huling chapter sa wattpad.." Napapalunok kong sabi at tumingin sa kanila. "E-eto kasi si self eh, last chapter na lang daw pero inabot na ng alasdos ng umaga ang kingina! Kainis!" Dagdag ko pa.

High School Couples [On-going]Where stories live. Discover now