38

2.5K 81 19
                                    


-Krystal-

"Love, let's go!"  sigaw ko. Exicted na naman akong umalis.

"Baka mabitawan mo si Dino"  sinuway niya ako. Ngayon ko lang naalala na nasa baby carrier pala si Dino na nakasabit sa balikat ko.

Naglakad ako papunta sa palabas nang marinig na may nagdoorbell. Nasa labas na pala sina Sab dahil sila ang maghahatid sa 'min. Kasama rin sina Ace at Sandra dahil saktong maga-attend ng Paris fashion week si Sandra at sasama naman si Ace. 

"Can I hold him?"  tanong ni Ace habang nakatingin kay Dino. Tumango ako at inalis ang baby carrier tsaka binigay kay Ace si Dino. Mukhang nasisiyahan siya sa bata.

"Let's go?"   sumulpot si Dean sa likuran ko, akay akay na ang mga luggage namin at may suot ng baby carrier para kay Deanna. Kinuha ko ang isang maleta sakanya para hindi siya mahirapan at sumakay na sa van.

Hindi ko naramdaman ang byahe papuntang airport dahil nakatulog ako sa balikat ni Dean. Nagising na lang ako nang malapit na kami.

"Ingat kayo!"  sumigaw pa si Sab bago kami tuluyang makapasok sa airport. Hindi kami maaga pero hindi rin naman late kaya ilang minuto lang kami naghintay ng boarding announcement.

Mukhang inaantok pa si Dean pagkasakay namin sa eroplano pero buhat buhat niya si Deanna kaya hindi siya makatulog. Mahaba naman ang byahe kaya pwede siyang matulog kapag nakatulog na ang mga bata. 

"Can I hold Deanna please"  Sandra pleaded and even pouted just to get my approval. Kalinya lang ng seat namin ang seat nina Sandra kaya binigay siya ni Dean sakanya. Binigyan niya ngpagkakataon si Dean para matulog kaya tinapik ko ang balikat ko para senyasan siya na ipatong ang ulo niya doon. 

I just can't take my eyes off him while he's asleep. I'm staring at him while holding Dino who's quietly sipping on his milk bottle. I missed my husband so much. Minsan nalang kasi siya umuwi para lang maging bakante ang week niya. 

Nakatulog na si Dino sa mga kamay ko kaya tahimik lang ang byahe. Nagising lanng si Dean nang magtanong na ang flight attendant kung ano ang gusto naming kainin. 

"Sorry, I slept" Dean apologized. He didn't have to, I understand that he's tired. 

"You don't have to apologized hubby" I gave him a quick kiss and smiled at him to assure him that I understand our situation. 

Dahil hawak ko si Dino, hindi ako makakain mag-isa kaya sinusubuan na lang ako ni Dean.

"They got back together yesterday"  masayang pagkukwento ko sakanya habang kumakain kami at nakikinig naman siya, mukhang interesadong interesado sa kinukwento ko.

"And then?"  he asked me to continue.

"He's asking me if I have ideas about romantic dates, I told him to ask you. Ikaw ang mas sweet sa 'tin e"  pagtutuloy ko sa kwento.

"Really?"  he raised a brow and moved the spoon closer to my mouth.

Iba iba na ang naging topic namin hanggang sa matapos kaming kumain.  Ako lagi ang nagkukwento habang siya ay atentibong nakikinig.


Umiyak si Dino pagkagising niya at kaagad na binaon ang mukha niya sa dibdib ko habang umiiyak. Pinatahan ko siya at hinarap sa mukha ko para halikan ang pisngi niya. Ang cute naman ng baby boy ko! Masungit nga lang dahil bagong gising.

Hinalikan ko ng paulit ulit ang pisngi niya hanggang yung iyak niya napalitan na ng hagikgik.


Napatingin ako kay Dean at nakitang abala siya sa phone niya pero hindi ko nalang inabalang itanong kung anong ginagawa niya at binigay na lang ang atensyon kay Dino.

Let's Change Our Fate (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon