CHAPTER 19

355 26 4
                                    

Day 20
February 23

To: Before March 4
Saan kana?

Agad kong sinend 'yun, malapit na mag 7:00AM ay wala parin siya, muli akong kinalabit nila Zy.

"Merong reply?" Tanong niya, umiling ako, napabuga sila ng hangin atsaka tinadtad ulit ng text si doktor Venus at Axies. Ang sakit na ng dibdib ko. Kinabahan din ako dahil sa nangyayare. Malapit ng pumutok sa kaba si Lana, saktong bumukas nang malakas ang pintuan at niluwa nu'n si Axies na hinihingal, agad siyang pinalibutan ng tropa.

Nanatili akong nakaupo at nag-intay ng sagot sakan'ya.

"Anong nangyare? Huh?! Bakit 'di ka sumasagot kanina pa?!" Mangiyak ngiyak na tanong nila. Pinainom muna si Axies bago sumandal sa pader na pawis na pawis.

"Taena, hinabol ako ng pusa, akala ko mamamatay na ako." Napadukduk ako sa lamesa dahil doon. "Pero ayos na ako, wooh, kakaba, demonyong pusa." Umupo si Axies sakan'yang silya at uminom ng gamot bago tawagan si doktor Venus para sa gagawin niyang first aid. 'Di naman daw seryoso at mas pinawis lang siya kakatawa.

Pero... bakit, bakit ako ang nahirapang huminga ngayon? Makailang beses akong bumuntong hininga, tinignan ko ang heartbeat meter ko to see that the beating was slow.

Napilitan akong uminom ng beta-blocker bago pa makarating si Sir. Nagsulat ito sa board na kahit ako ay naguluhan.

"Write something about your dream, what you want in the future. And then, itatabi natin sa jar na ito." Turo niya sa malaking mason jar. "You're time starts now."

Dream?

What is that? Well, I know that word, the thing you want to eagerly achieve. But, bakit parang wala naman akong gusto? Good grades? Nah, that's easy. Tinignan ko sila Zy, Tim at V na excited sa activity at kanya-kanyang yabangan ng pangarap.

"Pag laki ko, gusto ko maging si Brad Pitt. Bwahahaha!" Sabi ni V.

"Tae ka, napaka babaw mo naman, ako maging chick magnet." Ani Zy.

"Ulol, manok kamo!" Bulyaw ni V at nagsuntukan sila, nakikitawa lang si Tim pero seryoso itong nagsusulat sa papel niya na 'di ko makita.

Sila Lana ay may kanya-kanya ding mundo at panay ang sulat sa papel. Napabaling ako kay Axies na nag-iisip din katulad ko, nakatingin ito sa labas ng bintana at halos tangayin ang isip, nagkasalubong ang mata namin, sandali kaming nagkatinginan pero nabali 'yun nang hampasin ni Sir ang lamesa.

"Last 10 minutes!"

10 minutes? Seryoso? Ganu'n kabilis? Tinignan ko ang blankong papel, ngayon lang ako nahirapang magsagot sa buong buhay ko, mas malala pa ito sa long quiz, test exam or kahit board exam.

Ano bang gusto ko?

Ano ba?

Ano ba?

Ano ba?

Kakaisip ko, namalayang ko nalang na nakatingin pala ulit ako kay Axies at kahit siya. Our eyes reading each others heart.

"Ipasa na!" Bulyaw ni Sir. I just kept eyes contact with her, until it hit me.

I just realize what was my greatest dream.

Natapos ang klase at kanya-kanyang tanong sila kung anong sinulat nila sa papel, ilang ulit akong kinulit ni Zy kung anong sinulat ko pero ang sagot ko ay...

"Simple lang."

"Ah! Gusto mong maging doctor 'no?!" Sabi ni Lana, bahagya nalang akong tumango dahil 'yun naman ang course na kukunin ko. "Ohh! Ako ng nilagay ko, gusto kong maging Kardashian!"

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon