"Kaya kong suwayin sarili kong ama, mapakasalan lang kita."
Ala una na nang madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Patuloy na naglaro sa isip ko ang binitawang salita ni Akihiro.
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba yung sinabi n'ya dahil nalaman ko na gusto at balak n'ya pa akong pakasalan. Pero yung susuwayin n'ya yung tatay n'ya para sa akin ay parang hindi na tama, maling-mali.
Nagising ako sa sunod sunod na katok mula sa pinto ko, dahan-dahan akong lumapit dito at pinagbuksan ang kumakatok.
"Anong oras na," napatakip ako at mabilis na tumalikod at agad na kinapa-kapa ang bibig kung may namuong laway ba sa gilid ng bibig ko. "Parang hindi naman kitang maglaway." pagsabi'y naramdaman ko ang pagalis nito sa tapat ng pinto ko.
Nang maramdamang wala na ito sa likuran ko ay saka ako humarap at nagtaray, "Parang hindi nakitang maglaway psh, anong akal- nani?!" sigaw ko nang maliwanagan sa sinabi ni Akihiro, "Pinapanood ba n'ya ako matulog?!"
Nakarating kami ng tapat ng campus ng walang kibuan, naiilang ako ng sobra lalo na't nagkaroon ng rebelasyon kagabi. "A-ah, doon ang building mo Alexis." napaawang ako at humarap sa tamang daan papunta sa building ko, hinarap ko itong saglit at inangat ang kamay saka bahagyang yumuko.
"A-ah, dito na a-ako, b-bye," ngumiti lang ito sa akin bago ako nito talikuran. Lumukot naman ang mukha ko at binatukan ang sarili dahil sa kahihiyan. Tanga mo talaga kahit kailan, Alexis!
Pagpasok ko ay abala ang mga kaklase ko sa pwesto ni Hana, may kung ano silang pinagkakaguluhan at mukhang mainit-init pa ang chika. May sasahod na ba sa paluwagan? Charot.
"Sugoi ne!" (Translation: Amazing!)
"Hana, omedetto!" (Translation: Congratulations, Hana!)
"Anata ha totemo rakki- desu!" (Translation: You're so lucky!)
"Alam mo na ba ang balita?" lumapit si Yuko malapit sa table ko at bumulong gamit ang lengwahe nila.
Agad akong kinabahan at mukhang alam na ang tinutukoy niya, pero mas pinili ko pa ring magtanong, "Ano 'yon?"
"Engaged na pala si Hana at Akihiro!" may kung anong kirot muli ang namuo sa dibdib ko. "Grabe pinagkasundo daw sila ng magulang nila para sa business na gagawin," tuloy tuloy ang bibig ni Yuko pero hindi ko na ito pinakinggan pa. Wala pala siyang ideya na may gusto ako kay Akihiro, wala siyang ideya na nakatira ako kila Akihiro at pinapaaral ako ng pamilya niya, wala silang alam.
Hindi ko kaya ipagtanggol ang sarili ko dahil nakikipagsiksikan lang ako, wala akong laban, dahil kung sabihin ko man na sa akin nangako ng kasal si Akihiro ay baka pagtawanan lang nila ako.
Mukha namang may ideya yung iba na nakatira ako sa bahay nila dahil sa bunganga ni Hana, pumunta na rin naman siya sa bahay nila Akihiro, pero ayoko nalang magsalita.
Pero kung sakaling matuloy man ang kasal nila, mapipilitan akong umalis sa bahay nila at maghanap ng malilipatan. Hindi ko kakayanin na tumira sila sa bahay nila ng magkasama habang andon ako sa gilid nagmumukmok, ayoko magmukhang mahina, ayokong maging api.
Nauna akong umuwi na masama ang loob. Kalat na sa buong Waseda na engaged na sila Akihiro at Hana, wala na talaga akong laban. Ang daming nabigla dahil napakaaga namna daw lalo na't first year college palang kami at yung iba naman ay nagsasabing bagay sila dahil maganda at gwapo naman.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumulala sa kisame, "Kailangan ko na ba maghanap ng malilipatan?"
"Bakit naman?" napahinto ako sa pagmumuni at mabilis na bumangon.
BINABASA MO ANG
Still You
Fiksi RemajaAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...