Kabanata 11

1 0 0
                                    



"Eat with me."

My lips parted.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Stay here if you don't want to." Aniya at isinara ang pinto.

What's up with this guy? He's acting strange today!

Bumaba ako at nakita ko na umorder na siya. Sinenyasan niya ako na umupo at 'yon ang ginawa ko. Inis akong umupo at tinignan siya ng masama sa malayo. Kung hindi lang kumakalam ang tyan ko ay hindi ako sasama sa unggoy na 'to!

"That bastard," I whispered.

Pinanood ko lang siya habang umoorder. I can even see how that girl in front of him flirt while taking his order. He didn't seem to mind at all. Ang tagal nilang nag uusap nung babae at halos pumutok ang pisngi sa sobrang pula.

Nag iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa direksyon ko at nag lakad palapit sa restroom. Sakto rin na dinala na ang order sa table namin.

Mambubwisit siya sa umaga tapos ito lang ang inorder niya sa akin? Ang tagal tagal nilang nag usap tapos burger lang ang dadating?!

Kinuha ko ang burger at agad kinagatan. Hindi ito ang tamang oras para mag reklamo dahil gutom na gutom na ako. Besides, this one looks good.

Maghuhugis puso na sana ang mga mata ko sa sarap nang biglang naramdaman ng dila ko ang tila siling labuyo sa anghang.

"What the-"

Agad kong niluwa ang kinain ko at ininom ang isang baso ng tubig sa harap ko. Gusto kong magtatalon at tapyasin ang dila ko sa sobrang anghang. Pakiramdam ko ay umuusok ang tenga at ilong ko.

Pakainin mo na ako ng kahit ano, huwag lang maanghang! Mababa ang tolerance ko pag dating sa kahit anong spicy food. Kaunting dampi ng anghang ay talagang namumula ako.

"Why are you so fucking messy? What are you 12?" si Jace. Umupo siya sa harap ko at tinignan ang mesang punong puno ng tissue.

"Well, you put a freaking hot sauce in my burger, you neat freak!" I spat.

Kumunot ang noo niya at tinignan ang burger na kinagatan ko. Sakto rin na dumating yung babaeng kausap niya kanina na may dalang bacon, fried egg, bread, at..

"Coffee po, Ma'am." the waitress smiled at me.

I looked at Jace with his brows raised. Agad niyang kinuha ang burger at tinignan ako ng masama.

"Get your filthy hands off my burger." He said.

For some reason, nakaramdam ako ng hiya. But then, I'm still annoyed!

"B-Bilhan kita ng ba-"

"Forget it."

Kinain niya ang burger na kinagatan ko. Ito ba ang ibig sabihin niya ng nagugutom? Gutom pero isang pirasong burger ang kakainin. Parang noong bumili ako sa Subway dahil nagugutom daw siya, eh hindi niya manlang nga ginalaw nang ibinigay ko sa kanya.

Tinignan ko lang siya habang kumakain at pinagmasdan ang mga sugat na nakuha niya kahapon lalo na sa labi at kilay. I don't understand how he can look this good with all those cuts. Kahit puro siya bangas ay talagang nakakaagaw ng pansin ang mukha niya lalo na kung hindi mo siya kilala.

I guess girls flirting isn't new to him. Kaya siguro wala siyang interes kahit halos ipagduldulan na ng babae sa counter ang pagmumukha niya sa kanya. Kung sa bagay, kahit naman sa campus ay pinag uusapan siya lalo na sa mga freshman at sophomore.

Natapos kami kumain at dumiretso sa campus. Medyo na late din ako ng dating dahil sa kumain pa kami. Kapag gumaling na ang braso ko, babawi talaga ako sa pag pasok. Nitong mga nakaraang araw kasi ay dumadami ang late ko. Kahit na maaga naman dumadating si Jace para sunduin ako, madalas ay napag hihintay ko siya dahil sa hirap ako kumilos. Kaya naman walang araw ang hindi kami nagtatalo. Bukod sa napaka suplado niyang pag uugali ay hindi rin ito magandang isama sa katulad kong ang pasensya ay mas maiksi pa sa bangs ni mimiyuh.

The Bullet in my ChestWhere stories live. Discover now