=9=

2K 39 0
                                    

Nagising ang diwa ko dahil may naririnig akong naguusap, hindi malinaw sa pandinig ko kung ano ang pinaguusapan nila. Pero malinaw sa'kin kung sino mga nagmamay-ari nang mga boses na naririnig ko. Kaya unti-unti kung minulat ang mga mata ko, at tama nga ang hinala ko.

Napabalikwas ako ng bangon, gulat ko silang tiningnan.

"Good morning honey.." Bati sa'kin ni Mamita.

"Ahm..Good morning po.." Balik na bati ko habang inaayus ang buhok ko, kinapa 'ko na 'din ang muka ko. Ba'ka may muta or worse ba'ka may panis na laway!

Napalingon ako sa katabi ko nakapikit pa 'rin hanggang ngayon. Tulog na tulog lang?

"Mattheo.." Sabi ko sabay hampas sa balikat nya.

"Hoy!" May kalakasan na ani ko. Inalog-alog 'ko pa ang balikat nya.

Tulog mantika din ah!

Bahagya s'yang gumalaw at inalis ang kamay ko, bago nagmulat ng mata.

"W-What the—" naputol ang sasabihin nya ng makita kung sino ang mga nasa harap namin.

Napabalikwas din sya ng bangon at gulat na tumingin sa'min. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya, tumingin ako sa orasan.

Alas nuebe palang ng umaga! Anong ginagawa naman ng mga 'to dito?! Ang aga-aga ah! At shaka dito pa talaga skla pumunta sa kwarto namin! Hindi ba nila alam ang salitang privacy!

"Good morning, my baby boy." Nakangiting bati ni Mamita. At halata namang hindi para sa'kin 'yun, dahil una nabati na nya ko. pangalawa, dahil hindi naman ako boy!

Gulat akong napatingin kay Mattheo. Naramdaman nya ata ang pagtingin ko sa kanya kaya binalingan nya 'rin ako nang tingin. Ngumuso ako upang pigilan ang paghagalpak ko ng tawa!

Psh. Baby boy! Ahahahah.

Tinaasan nya ko ng kilay bago tumayo. Nagpaalam sya samin na maliligo daw muna sya. Ganon na 'din ang ginawa ko.

Pagtapos kung naligo ay dress ang isinuot ko, dahil wala dito 'yung damit na gusto ko,at isa pa sigurado akong papagalitan na naman ako ni Mama kapag pangit ang isinuot ko!

Paglabas ko ay sa sala ko sila nakita. Andon na silang lahat, kasama si Mattheo. Psh. E'di ako na ang mabagal kumilos! Nakangiti akong lumapit sa kanila.

"Set down, Iha." Anyaya ni Mamita.

Tumango lang ako at umupo na din sa sofa.

"Pasensya na kung naistorbo namin ang tulog nyo pareho. May importante lang kaming sasabihin kaya maaga kaming nagpunta dito." Si Papita.

"Naku! Hehe, okay lang po. Ano po ba ang sasabihin nyo?"

Pero sana po pinakain nyo po muna kami ng almusan eh 'no? Hehe.

"Mamayang gabi na kasi ang flight namin paalis, kasama namin ang parents mo, Zeatrice." Ani Mamita na nagpagulat sa'kin.

Palagi nalang ba kung magugulat? Bakit parang lahat ng mga nangyayari nitong nakaraan ay nagpapagulat sa'kin! Ba'ka mamaya magkaroon ako ng sakit sa puso! Sila Mama naman kasi, bakit feeling ko ang layo-layo ko na sa mga magulang ko. Hindi na sila 'yung dating mga magulang 'ko na lahat ay sinasabi sakin. 'Yung mga dating magulang 'ko na masaya na kahit sa simpleng bagay, 'yung masaya na sila makita lang kaming mga anak nila na masaya. Asan na ang mga magulang 'ko na 'yun? Kung alam ko lang sana na magbabago sila kapag pumayag ako sa kasal na 'to, ay hindi ko na sana ginawa. Kahit na magalit pa sila sa'kin dahil sinuway ko sila. Pero wala na kung magagawa dahil nangyari na 'to. Bakit kasi hindi muna ko nagisip bago ako pumayag? Tama nga talaga na nasa huli ang pagsisi. Wala sa una at lalong wala sa umpisa!

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon