#6

15 1 0
                                    

Hiram na Sandali

Alas otso na ng gabi't naghihintay parin,
patuloy na nag-aabang sa iyong pagdating,
inihahanda ang silid kong nababalutan ng dilim
at ang kama'y iniayos para sa gabing malagim.

Alam kong una pa lamang na ito ay mali na
ang kumain ng putaheng tinikman na ng iba,
hindi ko alam kung bakit patuloy na nagpapakatanga
sa babaeng mahal ako kahit bilang pangalawa.

Sa umaga'y nandun ka sa tahanang marikit
kasama ng mga anak mong malalambing at makukulit,
sa gabi naman ay akin ka kasama ng mga kuliglig
upang painitin ang isang gabing napakalamig.

Nakapatong ka ngayon sa dibdib ko habang ako'y tinititigan,
sa napakalagkit mong tingin ako'y kinikilabutan,
ang bestidang suot mo'y itinapon na sa sahig
at ang mukha kong nananahimik ay pinaulanan na ng halik.

Niyakap ka't inalis ang natitirang suot
tinanggal ang telang sa hinaharap mo'y nakabalot,
alam kong ang ginagawa namin ay isang kasalanan
sa Diyos na siyang gumawa ng lahat.

Buong magdamag na nakadikit ang mga labi,
habang hinihimas ko ang bawat sulok ng kiliti;
Paumaga na naman at malalim na ang gabi,
panahon na para ikaw ay umuwi.

At sa paglakad mo papalayo sa aking kinatatayuan
bigla ng bumigat ang aking nararamdaman,
gabi-gabi kong naiisip, "Bakit ba pinili ko pang mahalin
ang babaeng sa hiram na sandali ko lang makakapiling? "

Una Mezcla de LetrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon