Labis ang paghihinagpis ni Gabriella, parang sasabog ang kanyang dibdib sa hindi niya makayanan ang labis na sakit na kanyang nadarama, kaya naman dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay at halos takbuhin niya patungo sa kwadra ng mga kabayo. Niya hindi na niya nagawa pang mag-suot ng kanyang pansapin sa paa, ni hindi na niya nagawa pang magpalit ng damit.
Hinila niya ang mabigat na kahoy na pintuan ng kanilang kwadra at patakbo siyang pumasok sa loob at sa lumapit siya sa harapan ng kulungan ni Lavender. Agad na inilabas nito ang ulo sa mababang pinto ng stall nito, tila ba ramdam nito ang kanyang pagdurusa at handa siya nito na damayan.
Kumapit siya sa ulo nito at kanyang idinikit ang kanyang kaliwang pisngi sa kanan nitong pisngi habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa ulo ni Lavender.
At doon na niya pinakawalan ang kanyang luha na kanina pa pinipigilan na umalpas sa kanyang mga mata. Nag-uumapaw ang sakit kasabay ng luha na parang ilog na dumaloy mula sa kanyang mga mata at dama niya ang mainit niyang luha sa kanyang mga pisngi hanggang sa kanyang leeg.
“Bakit?”, ang panaghoy niya at isang halinghing ang lumabas sa bibig ni Lavender kasabay ng marahan ng pagkiskis ng pisngi nito sa kanyang pisngi.
At kanyang hinila ang pinto ng stall ni Lavender, she didn’t even bother putting the saddle and reins on Lavender at ipinatong niya ang kanyang mga paa sa slits ng kahoy na pinto ng stall ni Lavender at ginawa niya iyun na hagdan para makasakay siya sa likuran ni Lavender at malakas niyang sinipa ng kanyang sakong ang tagiliran nito senyales para kay Lavender na tumakbo ito ng mabilis palabas ng kwadra ng kanilang kabayo.
Mabilis ang pagtakbo ni Lavender, damang-dama niya ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha, hinayaan niya ang hangin na lipari ang kanyang mahabang buhok, ag suot niyang mahabang pantulog ay dumidikit na sa kanyang katawan habang ang luha sa kanyang mga mata ay patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi, nalalasahan niya sa kanyang bibig ang maalat na luha niya na dumadaloy na hanggang sa kanyang dibdib.
Hanggang sa marating nila ang kalagitnaan ng lupain ng kanilang rancho, doon nila pinapapastol ang kanilang mga baka, kaya naman puro sariwang damo ang naroroon. At sa dulong bahagi nito malapit na sa paanan ng buhok ay ang grupo ng mga malalaking puno na naging pahingahan niya sa tuwing galing siya sa eskwela at nagpapalipas siya ng oras sa ilalim ng puno habang nagbabasa siya ng kanyang paborito ng libro.
Marahan niyang hinila ang gintong buhok ni Lavender habang papalapit sila sa paborito niyang lugar sa kumpol ng mga puno. Dahan-dahan na bumagal ang takbo ng mahahabang mga paa ni Lavender hanggang sa tuluyan na itong huminto at saka siya bumaba mula sa likod ni Lavender at naramdaman pa niyang tumaas ang laylayan ng kanyang damit pagkababa niya kay Lavender.
Nakapaa siyang naglakad papalapit sa puno kung saan siya laging nauupo para mag-isip at magbasa. Ngunit sa pagkakataon na iyun ay naroon siya para siya ay magluksa.
Malamig ang hangin at kahit na manipis na sleeveless nightgown ang kanyang suot ay hindi niya dama ang kalamigan dahil na rin sa pagluluksa na nadarama ng kanyang dibdib.
Naupo siya damuhan sa ilalim ng malaking puno, isinandal niya ang kanyang likod sa katawan ng puno at hinila niya papalapit sa kanyang dibdib ang kanyang mga tuhod at kanyang niyakap ang mga iyun saka niya ipinatong ang kanyang noo sa ibabaw ng kanyang mga tuhod, at muli siyang lumuha at ibinuhos niya ang sakit na kanyang nadarama. Ang panaghoy ng kanyang puso, sa labis na sakit na nadarama ng kanyang puso dahil sa pagkawala ng kanyang lolo Alano.
“Hu, hu, hu, lolo, bakit? Bakit!”, ang malakas na panaghoy niya na nanuot sa mga puno ng kaparangan.
“Kung ako ang tatanungin mo ay hindi ko rin alam”, ang sagot sa kanya ng isang boses ng lalaki kaya naman biglang tumigil ang kanyang pagluha at umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko niya at lumingon siya sa kanyang likuran. Madilim sa parte na iyun ng rancho dahil walang mga poste ng ilaw na itinayo roon, kaya naman umaasa ang mga mata ni Gabriella sa liwanag na dulot ng maliwanag na buwan.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981