"You are my first romance and I'm willing to take a chance..."
—Jose Mari Chan & Regine Velasquez
(Please Be Careful With My Heart)"ʙᴀᴋɪᴛ ʜɪɴᴅɪ ᴍᴏ sinabi?"
Nasa rooftop pa rin kami noong mga oras na iyon, ilang sandali na ang nakalilipas simula noong ma-drama naming eksena kanina. Magkatabi kami ngayon, ilang pulgada lang ang layo sa isa't isa... Nakapatong ang aming mga kamay sa railings at pinagmamasdan ang tanawin.
Hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang mga pinagsasabi ko. Nakakahiya! Mabuti na lang talaga at hindi niya na binanggit.
Nakatingin lang ako sa panyo niya na hawak-hawak ko ngayon. Pinaglalaruan ko ito sa kamay ko habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko na iyon.
"Akala ko kasi, alam mo na," mahinang sagot niya pero sapat lang ang lakas para marinig ko. "Isa pa, hindi naman kasi ako iyong ganoong tao. Inaamin ko, torpe ako. Kahit nga noong kami ni Tori, siya ang naunang umamin sa akin." Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
"Mabuti na lang talaga, kinausap at nilapitan ako ni Tori kanina..."
"Kinausap ka niya?" Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin ngayon, bakas ang pagkagulat sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
Tumango ako. "Oo... Natakot pa nga ako, e. Akala ko susugurin niya ako at sasampalin dahil nalaman niyang gusto kita. Akala ko, sasabunutan niya ako at pahihiyain sa harap ng maraming tao."
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Nakakarami ka na yata masyado ng pinapanood at binabasang romantic movies at novels. Nasa totoong mundo ka, baka nakakalimutan mo..."
"Pero hindi mo ba napapansin?" tanong ko sa kaniya. "Para kayang nasa romantic movies o novels ang istorya natin... Nagsimula tayo sa banggaan tapos ang dami-dami pang nangyari na katulad doon sa mga binabasa't pinapanood ko..."
Tinawanan niya lang ako. "Baka naman kasi based sa reality ang mga iyon kaya gano'n?"
"Reality nila," sagot ko naman, "pero hindi ko reality. Kaya gano'n na lang nga ang duda ko sa'yo, e. Para kasing napaka-imposible na mangyari sa akin iyong mga nangyayari doon."
"Paano mo naman nasabi?"
"Kasi bakla ako," sagot ko sa kaniya at nagulat naman siya doon. "Sa mga napapanood ko, lalaki at babae ang mga bida sa kuwento. Hindi naman parehong lalaki."
"Anong namang kaibahan noon?" nagtatakang tanong niya at napakibit-balikat ako. "Kahit ano pang gender ang involved, ang pagmamahal, pagmamahal. Hindi magbabago iyon."
"Siguro nga," sagot ko sa kaniya at hindi na siya sumagot. Ilang sandali pa ay nagsimula ulit akong magsalita. "Isa pa, iniisip ko kasing walang pag-asa iyong nararamdaman ko sa iyo. Paano nga naman mahuhulog ang isang straight guy sa baklang katulad ko?"
"Ako, straight?" tanong niya at pagkatapos ay natawa. "Hindi ako straight, Ephi..."
"Hindi?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero 'di ba... 'Di ba naging kayo ni Tori?"
Tumango siya. "Yep."
"So, nagkakagusto ka sa babae?" tanong ko.
"Oo."
"So, straight ka?"
Natawa naman siya at napailing-iling. "Bisexual ako, Ephi... Alam ni Tori 'yon. Wala akong pakialam kung mahulog ako sa babae o sa lalaki. Hindi iyon ang tinitignan ko. Ang mahalaga sa akin ay kung sino ka, regardless kung anong kasarian mo."
BINABASA MO ANG
Rehashed [First draft]
Romance"Walang kinikilalang kasarian ang pagmamahal." Date posted: December 18, 2020 Edited on: XXX