Kala ko ipaglalaban mo ko

9 0 0
                                    

Kala ko ipalalaban mo ko.
Ngunit parang nagkamali ako.
Pinanghawakan ko mga
sinambit mo pero pinako mo.
Ngunit hanggang ngayon iniisip ko.
Bakit mo dimo ko pinaglaban?
Kung sabagay sino ba naman ako para ipaglaban.

Umpisa nung naging tayo.
Iba ang saya na naidulot mo.
Tila ba nasanay na ko na kasama ka at kausap ka.
Tinago natin yung relasyon natin para lang di malaman ng iba.
Ngunit ng dahil sa isang pangyayari bumitaw kana.
Nung una parang wala lang
Pero kalaunan nawala ka na bumitaw ka na lang.

Mahal kita minahal kita ngunit siguro tama na.
Hindi siguro talaga tayo para sa isa't isa.
Tadhana na ang sumubok sa atin.
Panahon na siguro para kalimutan kita.
Nung una akala ko diko kaya pero kalaunan kakayanin ko pala.
Siguro pinagtagpo lang tayo para kilalanin ang isa't isa at hindi para mahalin ang isa't isa.
Isang salita ang gusto kong sabihin sayo.
Maraming salamat at nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko.

Kala ko Ipaglalaban mo koWhere stories live. Discover now