Chapter 1: New classes

13 0 0
                                    

Chapter 1:

Tumunog ang isang bell na siyang ikinalaki ng mata ko.

Oh my goodness! Late na ako!

Kaya naman ay tinakbo ko na ang daan papunta sa building namin para sa unang subject ko ngayong 1st semester ng taon. I am a fourth year college student and I just transfered here in Aguinaldo University pero heto na naman ako, mali-late na naman.

Jusmeyo marimar naman, oh! Tuwing first day of the school year lagi na lang akong late sa klase. Mula noon hanggang ngayon ganito ang nangyayari. Mukhang malas 'ata ako lagi sa ganitong mga unang taon ng klase.

Buti sana kung kabisado ko na ang building dito kaso hindi, e. Kaya naman ay muli kong tiningnan ang mapa na hawak ko habang tumatakbo ng mabilis.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo, muntik pa nga akong makabangga ng ibang estudyante. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko.

Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas nahanap ko na rin ang room ko! Nasa third floor ito ng Comm building, syempre, Communication ang course na kinuha ko, e.

Buti na lang din at saktong wala pa ang professor namin nang makapasok ako kaya nakahinga ako nang maluwag. Dali-dali akong umupo sa dulong bahagi ng silid kung saan iyon na lang ang bakante.

Napapaypay pa ako sa sarili ko pagkaupo kahit may aircon naman. Ikaw ba naman tumakbo ng ilang minuto sinong 'di papawisan? Nako po! Nakalimutan ko pa namang maglagay ng tawas kanina dahil nga sa pagmamadali.

Lagot! Baka mangamoy putok ako! Napalunok na lang ako at pasimpleng pinagmasdan ang mga ka-blockmates ko. Busy silang lahat kakatsismis sa isa't isa kaya naman pasimple kong inamoy ang aking kili-kili.

Pero halos mapangiwi ako nang maamoy ang sarili. Jusmiyo marimar! Nangangamoy putok ako! Nyeta! Nakakahiya kapag naamoy ito ng mga kaklase ko!

Napakagat-labi na lang ako at pasimpleng inurong ang desk ko palayo sa katabi kong babae na ngayon ay natutulog. Buti na lang at may dala akong jacket kaya naman ay sinuot ko iyon para pagtakpan ang nangangamoy putok kong kili-kili.

Savior talaga ang jacket ko sa oras ng pangangailangan. Kaya lagi ko itong dala-dala sa bag incase of emergency like this.

Oh jacket na aking hero, mahal na mahal kita!

Natawa na lang ako sa sariling iniisip. Unang araw ko pa lang nababaliw na naman ako.

Maya-maya lang din ay dumating na rin sa wakas ang professor namin. Isa siyang babae na maganda at mistisa. Siya raw si Ms. Belendes. Nasa mid-30's pa lang siya pero nakakainggit ang hitsura na akala mo artista. Mula sa buhok na kulay pula at hanggang balikat ang haba, pati na sa pormahan nitong dinaig pa ang isang model. Agaw-pansin din ang singkit na mata nito. Pati ang kanyang tindig ay pak na pak!

Hindi na ako magtataka kung bakit maraming mga lalaki sa paligid ang titig na titig sa kanya. Pati nga ako naging girl crush siya. Hay buhay.

Kaya ayun, nagkaroon na ng Q and A portion sa buong oras ng klase. Mostly ay puro mga lalaki ang nagtatanong. Bukas pa naman din magsisimula ang unang lesson, e. Pero nag-enjoy naman ako sa talambuhay ni Ms. Belendes.

Pagkatapos ng klase ay saktong tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang chat ni Sena, ang aking bestfriend mula senior high school. Pinapapunta niya ako sa canteen. Hinihintay raw nila ako sa labas. At aba! Pinapamadali pa ako!

Hinayupak naman, oh. Di ko alam kung saan ang canteen dito. Kaya naman ay nagtanong-tanong na lang ako sa mga estudyanteng nakikita ko.

Makalipas lang ang ilang minuto ay sa wakas! Narating ko na ang canteen na sinasabi nila. Jusme, nasa kabilang building pala ito na dadaan pa sa initan bago marating. Talagang pinapahirapan ako ng mga baliw kong kaibigan, ah.

A Dare For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon