CHAPTER 12 [2/2]: EREKSIYON

135 11 5
                                    

"Gusto mo daw akong maka-usap?" tanong ni Ibe habang hinahabol ang hininga.

Nagmumuwestrahan na naman ang magkakaibigan gamit ang mga nagtitilusang kilay at nangungusap na mga mata. Nagtataka sila kung bakit bigla nalang sumulpot si Ibe at bakit sinasabi nitong gusto siyang kausapin ni Pipe.

Hindi nagtagal ay napansin ng magkakaibigan ang pagkabalisa at di mapakaling paglalaro ng kamay at mata ni Yna na hindi naman niya madalas ginagawa.

Tinapik ni Micah ang kasiping na kaniya namang ikinagulantang. Nanlaki ang mata at hindi makatingin ng diretso si Yna sa mga mata ng kaniyang mga kaibagan na tila ba'y natutuliro at natataranta.

Tinitigan nila ng maigting ang Tsina sapagkat kakaiba ang kinikilos nito.

Nararamdaman na ni Yna ang nag-iinit na atmospiya sa loob ng silid ni Pipe kaya iniluwal na niya ang kaniyang telepono at ipinakita nang nakayukyok ang ulo ang chat o mensahe na aksidente niyang naipasa kay Ibe na nagsasabing—

To: Ibe

Punta ka daw dito sa ospital, gusto ka makausap ni Pip

From: Yna

Matapos ipakita ni Yna ang kapalpakan na ginawa, binagsak na lamang ni Pipe ang kaniyang katawan sa kama at pinaroon ang titig sa kisame.

"Hehe" nahihiyang tawa ni Yna nang naka-peace sign, "Sorry na! Ginulat kasi ako ni Micah ih." pagpigil ng tawa ni Yna habang humihingi ng tawad.

Wala ng nagawa pa ang apat kundi papasukin nalang ang hindi-inaasahang dalaw ni Pipe.

Unti-unting lumapit si Ibe kay Pipe  suot-suot ang nagmamakalunos na wangis.

Huminto lamang ito nang makatungtong na siya sa bandang uluhan, isang sentimetro mula sa nakahigang si Pipe

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo..."

"Shet! Ang laki nga!" napatulala si Pipe sa kaniyang nasilayan nang siya'y tumagilid.

Dahil sa sobrang tangkad ni Ibe, sumakto ang kanyang ereksyon sa pagmumukha ni Pipe ng hindi niya namamalayan. Kaya nang pumalingon si Pipe sa kaniyang tabihan, bumulaga sa kaniya ang napakalaking bakas ng kaligayahan ni Ibe.

"Kaya sana habaan mo muna pasensya mo kahit ngayon lang..."

"Mahaba talaga!" napalunok ng laway si Pipe habang maigting pa rin ang titig sa ilaliman ni Ibe.

Nagtaka na ang magkakaibigan sa kinikilos ni Pipe kaya lumapit at siniyasat na ni Keith kung saan nakatingin ang mga mata ng kaibigan na kanina pa nila napapansin. Napag-alaman niyang nakasipat ito sa kahariang bumabakas ni Ibe.

Pinagbulungan, pinagtawanan at kinuhanan muna nila ng litrato ang tulalang si Pipe.

Lumipas ang ilang segundo, hindi pa rin bumibitaw sa pagkakaposisyon si Pipe kaya nagsenyasan muli ang tatlo.

Tumayo si Keith at dahan-dahang pumaroon sa lababo upang kunin ang takip ng Rice Cooker upang gawing...

~Clang!!!~

Kapagdakang napaluklok si Pipe dahil sa lubhang pagkasidlak sa tunog.

"Oops! Sorry nabitawan." nag-peace sign nang nagpipigil ng tawa si Keith at bumalik sa mga kaibigan na nagtatapikan sa tuwa.

Hindi na napigilan pa ng tatlo ang tuwa kaya sa kanilang pagtalikod, bumulwak na ang tawa ni Keith gayon din sina Yna at Micah na nagtakip ng mga bibig upang hindi sila makita at marinig nina Keith at Ibe na tumatawa.

Nang napatingin si Pipe kay Ibe, hindi ito mapakali at hindi mawari ang susunod na ikikilos. Kaya tumalikod na lamang ito at tinalikdan ang nakakagambalang Ibe.

Shet! Nahalata niya kayo ako???

Special Note:
Take every chances you have.

Pasadyang Tala:
Tanggapin ang lahat ng pag-asa meron ka.

JEDZUUUHMATIC

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon