"Good morning!"
Nakapajama pa ako na lumabas ng kwarto ko kayayaring magsepilyo at maghilamos.Nakita ko si Kai na nasa tapat ng kwarto ni Claudia at nakasuot na ng bagong damit. I control my brow na nagtatangkang tumaas. Meron na rin siya ditong damit? Wow! Ano kasal na ba? Diba ang pakilala boyfriend pa lang?Gusto ko ng umiling pero pinigilan ko at nag umpisa na lang humakbang at tinanguan na lang siya bago malampasan.
Nakasunod siya sa'kin sa pagbaba pero hindi ko na nilingon.Dumeretso na ako sa dining kung saan wala akong nadatnang tao. Nilibot ko pa ang paningin ko.
"They're probably in the garden late na kasi tayo nagising"tumango ako ng marahan sa sinabi niya.Magkasunod kaming nakarating sa garden at nakitang nandoon na nga sila Tita at Claudia at tahimik na kumakain .
Claudia was the first one who saw us, tumayo agad siya at hindi ko na kailangan pang lingunin ang taong dahilan no'n , dumeretso na ako sa lamesa para kumain.
Sa mabilis na panguya ko itinuon ang pansin ko habang sila ay mag uusap para sa pangalawang meeting nila.
" Kailan ba darating si Kuya Kray Kai?"si Claudia.
"Hindi ko alam e.Maybe next week"nilingon ko sila sa unang pagkakataon at nakitang nakangiti si Tita kay Kai na busy din sa pagkain.
" Darling ,its already been settle .Sa'tin papanig ang kapatid niya."lumunok ako at inabot pa ang sandwich na may lusaw na butter at kinain.Bahala na sila sa kung anuman para ngayong araw gusto kong bisitahin ang mga kaklase ko.May ibang umuwi sa kanila dahil Mayo naman na at para na rin makakita ako ng ibang tao ewan ko ba kauuwi ko lang pero pakiaramdam ko nauumay agad ako sa bahay.
Nang matapos ako sa pagkain ay tumayo agad ako at nagpaalam.Sa sunod sunod na tanong nila Tita Claudine at Claudia sigurado akong hanggang lunch na rin sila diyan.Umakyat ako sa kwarto at naghanap ng maisusuot.Jette was the one who asked for a meet up sa Coffee Shop sa bayan,kay Carmen yata iyon na Professor na sa Maynila at nakauwi kasi bakasyon naman kasama ang tatlong anak niya.
"Wow.Thought you're not coming?"pamungad na tanong ni Jette na katabi si Kara.I sit on the chair in front of them.
" Pwede ba yon?E minsan na nga lang ang gathering natin"nilingon ko si Kara na tinitigan lang ako.
"What's up?"
"Bakit ba kayo nag eenglish ?Bago yon a."hirit ko bago nilibot ang tingin.
" San si Izii?"
"Nasa office.Kasama niya mga anak niya" si Kara"Onga pala mga tsong,malapit na birthday nung panganay niya punta tayo ha?"
"Bakit ikaw na ang nag iimbita?"natawa ako habang pumupwesto si Izii na sa wakas ay lumabas na rin.Kasunod niya ang tatlong bata.
"Kilala niyo na ba mga anak ko?" nilingon ko ang mga batang tinitignan lang din kami.Tumango kami agad.Izii's youngest is the who will have a party.A boy mag eeight na at tingin ko ang eldest niya ay nasa 15 yrs.o na,babae naman at sumunod ang 13 yrs.o na lalake.Ang planning na para sana sa susunod pang pagkikita ay naganap na dahil sa pagdadaldal ni Kara at Jette.
"Naalala niyo bang dalawa yung nakaaway niyon mga babae ng higschool tayo?"I sip on my coffee as i listen to Kara na isiningit bigla ang panibagong istorya niya.
She pointed out her finger kaya napasunod doon ang tingin namin.We found two handsome guy who just entered the cafe." Siya yung pinag aagawan. Kray Quintanna"
Nagtagal ang tingin ko sa marahan na lakad ng lalaki at papunta sa pwesto ng isang tumpok na lalaki.He's tall na nadefine masyado dahil sa slocks na suot niya.Nakatuck in sa white long sleeve na ngayon ay nililihis niya.His hair is kinda long and is sleek.Kuminkitab yon sa itim.
Nakuha ang pansin ko ng kuminang na bagay katabi lang ng mukha niya.Oh,he has piercing as well.
YOU ARE READING
Roots And Branches
RomanceCalli is back in her hometown.After years of being away ngayon niya lang maasikaso ang matagal ng bumabagabag sa kaniya. Already made up her mind she proceeded to her plan pero papaano kung hindi pa nga gaanong nagtatagal ay may makatuklas na sa bin...