Simula

23 3 0
                                    

INIS akong lumabas ng kotse ng may tatanga tangang babae ang muntik muntikan ko ng masagasaan.

"Miss bulag ka ba!"sigaw ko rito at pinunasan ang harap ng kotse ko. Buti na lang hindi nagasgasan ang black lamborghini ko.

"Ikaw kaya yung napaka kaskasero kung magmanahe akala mo naman pag mamay-ari yung buong daan"sigaw nitong pabalik sa akin habang hinahampas ako ng shoulder bag niyang panget.

Itinulak ko siya nang malakas dahilan para matumba siya. "Tignan mo ikaw na may kasalanan ikaw pa nananakit" singhal ko sa kanya habang inaayos ang black suit na suot ko.

Tangina irap lang ang nagawa niya. Napangisi na lang ako sa inasta niya dahil alam kong mananalo ako. Agad kong kinuha ang tseke ko at hinila siya patayo. "Ayan pera ikaw na bahala magpagamot sa sarili mo okay?"mahinahon kong sabi sa kanya.

Pero imbis na magpasalamat siya pinunit niya pa ang tsekeng nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.
"Anong tingin mo sa akin mukhang pera!" singhal nito sa akin.

Ano bang gagawin ko sa babaeng to binigyan na ng pera ayaw pa. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil hindi ko alam gagawin sa babaeng ito. Siya pa lang ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa pera.

Hinila ko siya pasakay sa kotse ko,noong una ay nagpupumiglas siya pero dahil marami ng nakikiisyoso sa amin ay sumakay na lang siya.

Tahimik ang naging byahe naming dalawa hanggang sa nakarating kami sa hospital para tignan ang mga galos niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa ng makita kong mas nasaktan pala pero Malawi agad ang awa ko ng irapan niya ako.

Napahiyaw siya ng biglang diinan ng doctor ang sugat niya sa tuhod.

"Araw ko naman Doc!!" Napangisi na lang ako dahil mukhang inaasar pa siya ng doctor.

"Tatanga tanga kasi" bulong ko habang nakangisi.

"Tanga ikaw may kasalanan nito!" pagtataray niya sa akin.

"Manahimik ka nga" pagsusungit ko rin sa kanya.

Bakit ba napakataray ng bwisit na to,siya naman may kasalanan pft.

"Mauna na ako ito calling card ko baka may kailangan ka pa e,kailangan ko ng umalis" seryosong sabi ko sa kanya sabay abot ng tseke sa kanya.

"Asa ka namang tatawagan kita bwisit to,Sana hindi na magkrus ang landas natin!" muling pagtataray niya pero di ko na siya pinansin bahala siya dyan.

Naglalakad ako palabas ng hospital ng mag-ring ang cellphone ko.

"Fuck!" Napasinghal na lang ako ng makita ko kung sino ang tumawag. Agad akong pumunta sa parking lot at hinanap ang kotse ko.

"D-dad?" kinakabahan kong sabi nang sagutin ko ang tawag niya.

"What the fuck Hades! Nasaang lumalop ka ba ha! Sayang ang opportunity mo kanina kay Mr.Griffin! I'm so disappointed Hades." singhal niya mula sa kabilang linga dahilan para mas lalo akong kabahan.

Ngayon ko lang narealize na may meeting ako with the most famous businessman in the whole world. Naihagis ko na lang ang phone ko sa labas ng kotse. Wala akong pakialam kaya ko namang bumili ng sampung cellphone.

Kung hindi lang tatanga tanga yung babae na yun edi sana hindi ko na-disappoint si dad. Nakakainis talaga. Sinuntok suntok ko ang manibela ng sasakyan ko dahil sa sobrang inis.

"I hate you! I'll make sure that I will ruin your life too!" inis kong sigaw bago patakbuhin ng mabilis ang kotse ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Billionaire's LoveWhere stories live. Discover now