=16=

1.5K 38 0
                                    

Tahimik ang buong dinning area. Tanging si Karen lang ang nagsasalita. Kaya nga lang lahat ng lumalabas sa bibig nya ay puro panglalait.

Bakas naman ang pagka-ilang sa mga kaibigan ni Mattheo dahil hindi nila maawat si Karen.

Samantalang ang mga kaibigan ko naman ay walang pakealam at nakatuon lang ang atensyon sa mga pag-kain.

Si Mattheo na akala mo walang kasama dahil sakin lang nakatuon ang paningin.

At ako. Ako na malapit na mapikon kay Chicken curry—Karen. Naguumpisa na naman sya. Ganyan ba talaga 'yung ugali nya? Ni hindi nya kami kilala tapos lalaitin nya nalang kami bigla?

"Ayaw ko kayong kasabay kumain..." Pagapapatuloy pa ni Karen.

"Pakealam ba naman sayo?" Mabilis akong napalingon kay Ashley dahil sa sinabi nya.

Halata namang hindi inaasahan ni Karen 'yun dahil bakas ang pagkagulat nya. Mas lalo naman nailang ang mga kaibigan ni Mattheo.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi ko. Mukang napikon na sila, ah?

"Sino bang kausap mo? Kanina 'ka pa salita ng salita dyan!" Naguumpisa nang magtaray si Marc.

"Sino ka'ba?" Maangas na tanong ulit nii Ashley kay Karen.

"Mamaya na yan. Kumain na muna tayo. Masama na pinaghihintay ang pagkain."Awat ni Nicole.

Mahina akong natawa dahil don. " Kain na tayo..." Anyaya ko sa mga kaibigan ni Mattheo. Nagpilit sila ng ngiti at tumanggo kahit na naiilang.

Magsisimula na sana kami ng bigla nalang tumawa ng malakas si Karen. Lahat kami magtatakang napalingon sa kanya. Maging si Mattheo na kanina pang walang pakealam.

"Magagawa nyo pa talagang kumain? Matapos nang ginawa nyo kanina? Hindi ba kayo marunong mahiya? Oh, well, ano pa bang aasahan ko sa mga squatter, di'ba..?" Tumatawang tanong ni Karen.

Mariin naman aking napapikit. Bwiset talaga tung babae na 'to! Magsasalita na sana ko kaya lang naunahan ako ni Mattheo.

"Manahimik ka kung ayaw mong paalisin kita." Mariin na aniya.

"Tumigil ka nga Karen..." Seryoso ani Jehiro

Umirap naman si Karen. "Fine..."

"Bwesit ka..." Inis na bulong ko.

Pero mukang napalakas ata dahil narinig pa din ni Karen. "What did you just call me?."

Tinaliman ko sya ng tingin. "Alam mo ba 'yung ayaw ko sa lahat, ah?!"

Hindi sya sumagit at nginisian nya lang ako. Halatang natutuwa sya dahil naiinis na 'ko.

"Ayaw na ayaw kung nilalait 'yung mga kaibigan ko!" Hinampas ko 'yung lamesa ng kamay ko.

Nagulat naman ang lahat ng nasa table dahil sa paghampas ko.

Hinayaan ko lang sya nung ako ang laitin nya. Inintindi ko sya dahil ba'ka may pinagdadaanan sya kaya ganyan 'yung ugali nya. Pero kapag mga taong mahal ko na 'yung pinapahiya nya hindi ko na sya mapagbibigyan!

Namilog ang mga mata at bibig ni Karen. "Oh...my..." Maarteng tinakpan nya 'yung bibig nya.

"Ghurl..." Hinaplos ni Kiana 'yung likod ko. "Wag mong dibdibin, may likod ka'pa."

Inis ko naman s'yang nilingon. Nginitian nya lang ako at tinanggal 'yung kamay nya sa likod ko.

"Kumain na nga muna tayo..." Si Rea.

"Wag kang masyadong hot. Mamaya na 'yan Zeatrice." Makahulugan akong tiningnan ni Patrice.

Bumuntong-hininga ako para kumalma. "Pasensya na..." Ani ko kila Charlotte.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon