=20=

1.9K 32 0
                                    

"Wala man lang pasalubong?!"

'Yan agad ang bungad nila sakin pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment ni Ashley.

"Wow! Hindi nyo mo muna ko pina-upo at kinamusta!" Sarcastic na sabi ko habang nag-lalakad papalapit sa kanila. "Atsaka minamadali n'yo kung pumunta dito di'ba? Pa'no ko makakabili ng pag-kain?!" Pagod akong naupo sa sofa.

Simula kaninang umaga tawag na sila nang tawag para sabihin na pumunta ko dito. Mas nauna pa sila sa alarm clock ko! Tas tumawag ulit sila nung pauwi na ko kanina.

"Tapos kana ba?" Napaangat ako ng tingin kay Kathryn dahil sa tanong nya.

"Tapos sa'n?"

"Mga projects?"

Tumango ako. "Oo. Kaya nga lang may binigay na naman na bago." Nakangiwi kung sabi.

"Haysst! Kakapagod!" Nalipat ang tingin ko kay Andrea.

"Kaya nga! Putcha! Daming dapat gawin! Ang sarap maging hotdog!" Mahina kaming natawa dahil tumayo pa sya para sumayaw kunwari na gumalaw na hotdog.

"Pati maging gulaman!"

Sabay na sabi ni Ashley at Kiana. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sabay na humagalpak nang tawa. Nanliit ang mga mata ko sa kanila.

"Mukang di nga kayo stress, eh!" Mapangasar na sabi ni Patrice sa gilid ko.

"Blooming kayong dalawa!" Biglang ani ko. Nagkatinginan din kami ni Patrice bago humagalpak nang tawa.

"Kaya nga! May dahilan ba para maging blooming kayo?!" Nangaasar na tanong ni Abi.

Namilog naman ang mga mata ng dalawa dahil sa pang-aasar namin.

"Amputang'na! Wala ah! Maganda lang talaga ako!" Defensive na paliwang ni Ashley sabay hawak sa magkabila nyang pisngi.

"Wala din sa'kin ah!" Nagiwas nang tingin si Kiana. Namumula na ang buong muka.

"Wee?!" Makahulugang tiningnan ni Rea si Kiana. Para bang sinasabi na 'may alam ako'.

"Tama na nga 'yan. Gawin na natin 'yung nga dapat nating gawin." Biglang awat ni Nicole.

"Kaya nga. Para matapos na agad." Si Lene.

"Kain muna tayo..." Ngumso at hinimas ni Rea 'yung tyan nya.

"Pa deliver nalang tayo." Si Rona.

"Ano bang gusto nyo?" Tanong ko at agad naman nagliwanag ang mga muka nila.

"Libre mo?!" Makapal muka na tanong ni Patrice.

"Yung kalahati lang." Nagkibit balikat ako.

"Da't 'yung matamis, para gumana ang ating brain~" Si Marc.

"Kain ka asukal!" Mapangasar na sabi ni Pia.

Agad naman s'yang sinamaan ng tingin ni Marc. "Happy ka?!" Sarcastic na anya.

"Donuts nalang." Biglang singit ni Nicole bago pa magsimula na magasaran 'yung dalawa.

"Pizza din!" Si Rea.

"Libre mo kami pizza?" Nakangisi na tanong ni Lene.

"Ba't ako manlilibre? Eh, ikaw nagsabi." Nginiwian nya si Lene.

Nginiwian din sya. "Sino ba nagsabi nagsabi na gusto nya ng Pizza?"

Bumuntong-hininga si Nicole. "Tama na nga 'yan! Kailangan talaga laging nagaasaran, eh. No?!"

Mahina nalang kaming natawa sa isa't isa. Totoo 'yun. Halos lahat kasi kami mahilig mamilosopo, kaya palaging may sagutan at asaran samin.

"Order kana, Zeatrice." Tinanguan ako ni Mj.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon