TOS 3

150 48 5
                                    

Aisla's POV

hindi ko parin maintindihan yung sinabi ni dean sa lahat ng estudyante dito sa SBIS. Hayss bahala na nga

dumiretcho na ako sa bulletin board para hanapin ko ang pangalan ko.

Habang naglalakad ako sa hallway, lahat ay nakatingin sa akin at hindi ko alam kung bakit?

'bakit ba sila ganyan makatingin?' Sabi ko sa aking isipan.

napahinto ako sa paglalakad nung makita kong papalapit sa akin ang gwapong lalaking nagpatibok ng puso ko kanina.

parang nagslow motion ang lahat nung bigla niya akong nginitian.

'T-teka? tama ba yung nakikita ko? Papalapit siya sa akin T-tapos nakangiti siya?'

palapit siya ng palapit, ako naman hindi ako mapakali dito sa kinatatayuan ko. Sunod sunod ang paglunok ko nung unti unti ay nakalapit na siya sa akin.

"Hi Aisla" bati niya sa akin. A-alam niya na yung pangalan ko?

napapikit ako ng maalala ko na nagpakilala pala ako kanina doon sa gym

"H-hi" nauutal kong sabi

"Papunta ka ba sa bulletin board?" Tanong niya sakin, tsaka siya ngumiti. Yung ngiting niya ang lalong nagpapagwapo sa kaniya. At mas lalong tumitibok ang puso ko sa kanya.

napatango nalang ako dahil baka mautal nanaman ako kapag nag salita ako. "Sabay na tayo" hindi ko akalain na sasabihin niya yun sa akin. Nung tumalikod siya sa akin para maglakad bigla naman akong napangiti.

Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad. parang ang sarap niyang yakapin patalikod kasi ang lapad ng likod niya. Lalaking lalaki tingnan. Sa tingin ko meron siyang 6 pack abs.

Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko.

tumigil si Raze sa paglalakad atsaka niya ako tiningnan. At nagulat ako dahil biglang niyang inilahad ang palad niya sa harap ko.

T-teka? Bakit siya nanghihingi ng pera sa A-akin?

Kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag ko ngunit natigilan akong nung bigla niyang hawakan ang kamay ko.

b-bakit niya hinahawakan ang kamay ko??

napatingin ako sa kamay naming dalawa. Tila hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Hindi ko pa siya gaanong kilala pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya nung una ko palang siya makita.

"You Jerk, let go of Aisla's hand" tinig ng isang babaeng pamilyar sa akin kung kaya't nilingon ko ito. Agad kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Raze.

"Xylene" pagtawag ko kay Xylene

"Ikaw na lalaki ka, wag mo ngang mahawak hawakan ang kaibigan ko. At ikaw naman Aisla? Kilala mo ba yang lalaking yan para magpahawak ka diyan?" Nagpalingon lingon ako kila Raze at Xylene, napatungo naman ako dahil sa sinabi ni Xylene. Oo nga naman bakit nga ba ako nagpapahawak sa lalaking hindi ko naman kilala.

"Hoy Xylene! Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang atraso ko sayo?"

"Wala ka na dun, tara na Aisla iwan mo na yang feeling pogi na lalaking yan"

"Pogi naman talaga ako, Hahaha Raze yuan ata to?" Bakas sa boses ni Raze ang pagyayabang.

"Tama" sang ayon ko sa sinabi ni Raze. "Tsaka teka hindi ko pa alam kung saan ang room ko" dagdag ko pa

"Magkaklase tayo kaya hindi mo na kailangan hanapin yung name mo, kasama ang lalaking yan" inirapan naman ni Xylene si Raze kaya napailing nalang ako. Kahit kailan talaga napaka protective niyang kaibigan. Kaya nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko si Xylene.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon