Chapter 2:
Isang buwan ang lumipas matapos ang huling kalokohang pinaggagawa namin sa video call nina Sena at Sanchai. At masasabi kong sobrang nakakaloka ang mga nangyari. Ikaw ba naman pa-split-in bilang dare, 'di ka ba maloloka?
Demonyo talaga si Sanchy. Hindi nga ako marunong mag-split, e. Ayan tuloy, feeling ko nahiwa ang hita ko sa sakit. Kinabukasan nahirapan ako maglakad. Bawal kasing umangal sa dare niya dahil kung magpa-pass ako ay mas mahirap ang ipapagawa niya. Mautak talaga.
Ngayon naman ay busy kaming lahat dahil maraming mga events ang paparating sa buwang ito. Sumali kasi ako sa Theatre Club ng School. Siyempre, hilig kong umarte at magsulat kaya mas mabuti nang ma-enhance ang talento, 'di ba?
Kailangan ko yun lalo na't Communication ang kurso ko. Someday, I'm gonna be a successful writer.
"Okay, you may now take your lunch."
Matapos tumunog ang bell ay kanya-kanya nang ligpit ng mga gamit ang mga kaklase ko. Ako naman ay tiningnan ang cellphone kung may text ba o wala galing sa club. Baka kasi may rehearsal kami ngayon para sa gaganaping event for charity and foundation.
"Sunny, peram ako ng notebook mo sa Comm Planning. Balik ko na lang tomorrow."
Napatingin ako kay Paula, ang seatmate kong babae na mahilig sa makeup. Lagi kasi siyang nagmi-make over tapos namumutok sa pula ang labi niya. Well, maganda naman siya at anak ng mga jamings. Hitsura pa lang halata na. Mula sa makinis at maputing kutis, ilong at mata na nagpapaakit sa mga lalaki, pati sa tangkad at tindig na pak na pak! Modelling din kasi ang hilig niya.
Isali mo pa riyan ang mga pang-classy na damit niya na laging naka-off shoulder. Bumabagay iyon sa kulay dilaw at wavy na buhok niya na hanggang balikat na haba. Lagi rin siyang naka-heels na 3 inches ang taas. Buti na lang at 'di pa siya natatapilok. Wala naman kasing uniporme ang school namin kaya kanya-kanyang awra ang mga estudyante rito.
Sana ol, 'di ba?
Hindi ko na lang siya sinagot. Kinuha ko ang notebook sa bag saka iyon ibinigay sa kanya.
"Ingatan mo iyan. Mahal pa iyan sa buhay mo," biro ko.
Natawa lang siya saka pabirong umirap. "Yes, boss. Thank you!"
"Isa pa pala, 'wag mong lalaitin ang penmanship ko dahil alam mo namang tamad ako magpaganda ng sulat."
"Information ang kailangan ko hindi penmanship mo, duh!"
"Good, good." I smiled at nodded at her.
Lumabas na rin ako ng classroom at saka muling tiningnan ang GC sa messenger ng Theatre club. Puro chikahan lang naman ang convo nila. Tsismisan at asaran sa sariling mga picture. May iba pang nag-send ng mga nakakatawang meme habang pinagtutulungan si Kyohie, ang isa sa mga kaibigan at kasama ko sa club.
'Di na ako nakisabat sa convo dahil baka ako na naman ang pagtulungang asarin. Mga demonyo pa naman ang mga ito. Pero magkaka-closed naman kaming lahat ng batch—
"Excuse me!"
"Shocks!" Muntik ko nang mabitawan sa gulat ang cellphone ko nang may biglang babaeng tumatakbo ang siyang bumangga sa balikat ko mula sa likuran.
Agad ko siyang sinundan ng tingin. Hindi na niya ako napansin sa sobrang bilis niyang tumakbo na tila nagmamadali. Pati ang ilang mga estudyante sa hallway ay nababangga niya na rin.
Huminto siya banda sa unahan at habol-hiningang sumigaw ng,
"Mr. Glen Felipe!"
That catches our attention. Napahinto rin ako sa paglalakad at pinagmasdan siya.
