"Good job! group 4" puri sa amin ni Mrs. Aguinaldo
"Yung mga hindi nakapunta sa room na naka-assigned sa kanila, bukas niyo na lang ipagpatuloy" sabi ni Miss.
"Okay goodbye na"
"Goodbye Mrs. Aguinaldo" sabi namin.
Isinukbit ko na agad ang bag ko saka humarap kila faye.
"Milktea muna tayo" aya ko sa kanila.
"Tara tara!" Pagsang-ayon nilang lahat.
.
.
.
"Ang yummy nitong Taro!" Ani ni Zhara.
"Wala ka ata sa sarili mo?" Biglang tanong sa akin ni Wendy.
"Ha? H-hindi ah, masyadong napagod lang ako sa project natin kanina" sagot ko saka nag-smile.
"Mabuti pa kayo tapos na yung--"
"Omggg!! Nandito yung guyy" napabalikwas ako ng biglang tumili si Faye! At kamalas-malasang nandito ang Lucas!
Kalma self si Lucas lang 'yan!
"Dito bro!" Aya ng barkada niya sa tabi ng table namin. Kalma!!!!
Mukhang sasabog na naman yung puso ko dito! Self kumalma ka lang!! Heartt huwag kang magtu-twerk sa harapan nila ah?
"Liana siya 'yun diba???" Bulong sa akin ni Faye.
"Shut up!" Inis at mariing sagot ko pero tanging hagikgik lang ang isinagot niya.
Napaiwas ako ng tingin pero kay Lucas dumapo ang paningin ko at laking gulat ko ng tumingin rin siya sa akin at ngumiti!!!!! Waaahhhhh!!! Bakit bigla rin akong napangiti! Yiieeee!!!
"Uyy bhiee nginitian ka niya!!" Bulong na naman sa akin ni faye pero imbis na mainis ako ay kinilig pa ako.
"Ano ba 'yang pinagbubulungan ninyo? Hindi ba puwedeng i-share?" Maarteng tanong ni Zhara sa amin, kumbaga literal lang naman yung pagiging maarte niyang mag-salita.
"Teka c.r lang muna ako" pagpapa-alam ko sa kanila at tumango naman sila.
Whooo! kalma lang selpp!
Pagdating ko sa C.R ay napatingin ako sa salamin at!! Namumula ang mukha ko!!
Naghilamos muna ako pagkatapos ay naglagay ng powder then naglagay ng kaunting pula sa cheek, saka nag liptint. Inayos-ayos ko rin ang hair ko saka huminga ng malalim!! Lalabas na ako!
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Lucas!
"A-ah hi? Iihi ka ba? Pero pambabaeng C.R 'to hindi ka puwede dito, kung gusto mo sa doon ka na lang sa male restroom" kinakabahang sabi ko sa kaniya.
"Hindi ako nac-cr, ibibigay ko lang 'to" aniya sabay abot ng wallet ko?
"Nalaglag mo ata don" sabi niya pa.
"S-salamat ah"
"Mm welcome, by the way anong name mo?" Tanong niya.
Dugdugdugdugdugdug
"L-liana"
"Hi Liana! Ako nga pala si Lucas" masiglang sabi niya sabay lahad ng kamay! Waahh mahahawakan ko na yung kamay niyyaaa
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko hanggang sa malapit ng mag-shake-hand ang kamay namin pero biglang...
TUMUNOG ANG FIRE ALARM!!!
"T-teka may sunog!!" Tarantang sabi niya.
"Halika umalis na tayo" aniya saka nagpa-unang tumakbo. Napasulyap ako sa kamay niya! Sayang naman!!
Hindi ko binilisan ang pagtakbo ko dahil sigurado akong wala namang sunog! May nang-trip lang nun at yari sila sa akin!!
.
.
"Hahahaha grabe yung face ni Liana kanina!!" Tumatawang pagku-kwento nila zhara! Sila zhara ang pumindot ng fire alarm, dahil nakita nila kami ni Lucas na magkasama!
"Ang sasama niyooooo!!" Sigaw ko sa kanila.
"Aminin mo na kasi Liana na may crush ka don sa guy na 'yun" pang-eechos ni Wendy.
"Wala!! Wala akong crushh doonn okayyyy?!"
"Surreeeee??" Mahabang tanong ni Zhara! Hindi ko na sila sinagot at padabog na umalis doon! Habang naglalakad ako ay dinig na dinig ko pa ang pagtawa nila!
Saan naman kaya ako pupunta nito?!
Habang naglalakad ako ay sobra ang kunot ng noo ko, nakakainis talaga yung tatlo 'yun! Pinagtutulungan pa ako!
*PEEP PEEP*
"Waaaahhh!!!" Sigaw ko.
"Hoy miss kung magpapakamatay ka doon ka sa riles ng tren!" Sigaw nung driver sa akin. *pout*
"Sorry po kuya--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla niyang pinaharurot ang kotse at iniwan akong mag-isa na nagsasalita!
Para mawala-wala ang inis ko ay pumunta akong perya.
.
.
.
.
"WHHOOAAAA!!!!!" Malakas na sigaw ko, nandito kasi ako nakasakay sa viking.
"Ang ingay mo ate" biglang sabi ng katabi kong chill lang habang ako ay malapit lang lagutan ng hininga! Bakit ko ba kasi naisip na sumakay dito?
"Nakakatakot kayaa waah!" Muling sigaw ko.
"Walang nakakatakot, sadyang duwag ka lang talaga!" Aniya.
"Anong duwag!" Malakas na tanong ko at parang hindi ko na naramdaman na nakasakay ako sa rides.
"Ikaw duwag ka! maka-sigaw ka akala mo mamamatay na"
"Eh ano bang pakielam mo ha?! Inggit ka ba? Kung gusto mo sumigaw ka rin inggiterong 'to!" Sigaw ko sa kaniya.
"Tsk tsk tsk." Inis na sabi niya, pero inirapan ko lang siya.
Ng huminto na ang sasakyan ay dali-dali akong umalis doon at pumunta sa may nag-iihaw.
.
.
.
Bumili ako ng tatlong stick na isaw at isang buko juice.
"Busog ako dito mmm, yummy!"
"Sabi ko na ba ikaw 'yan Liana" halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Lucas sa tabi ko!
Anong gagawin ko?? Nandito si Lucas sa perya!!
Maaya ko kaya siya sa ferris wheel saka kami sabay na tumili? Puwede pwede!
.......
;)
BINABASA MO ANG
His ex-girlfriend (SOON)
RomanceLove at first sight? iyan ang naramdaman ni Liana ng una niyang makita ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya, pero paano kung ang lalaking 'yun ay may tinatago pa lang sikreto na ikaw mismo ang makakabunyag, kakayanin mo kaya? Paano kung mismon...