"Nasagasaan siya ng truck na may dalang mga gasul at naipit siya doon" pagkukwento ko kay Lucas, nandito kasi kami ngayon sa kotse ni Lucas, akalain mo nga namang mayaman 'to?
Medyo malayo kami sa sementeryo at dito ako dinala ni Lucas kanina.
"Sobrang close namin ni dad.. yung tipo na lagi kaming magkasama" naiiyak na sabi ko, inakbayan naman ako ni Lucas at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Tama na.. 'wag ka ng magkwento, ayos na 'yun" sabi niya at tumango ako.
"Gusto mo bang pumunta tayo sa perya?" Tanong niya, ngumiti naman ako saka tipid na tumango.
Tinext ko si Ate na aalis muna ako at pumayag naman siya.
Napatingin ako kay Lucas habang nagda-drive, imposibleng walang magkagusto sa kaniya sobrang bait niya at gentleman saan ka pa?
"May dumi ba ako sa mukha?" Biglang tanong ni Lucas, hindi ko pala namalayan na nakatitig na ako sa kaniya.
"W-wala.. sorry"
.
.
.
.
.
"Smile ka na, sasakay na tayo oh" aniya. Nandito ulit kami sa ferris wheel siya ang pumili non dahil alam niya na gaganda ang mood kapag nakita ko ang tanawin sa taas.
"Eto na ngingiti na" sabi ko saka nag-smile, nakita ko naman na ngumiti rin siya pabalik.
Habag pasakay kami ay nakaalalay sa akin si Lucas, sa braso ko siya nakahawak at hindi sa kamay.
Ng makasakay kami ay hindi ko maiwasang mapangiti! Gusto ko na siyang laging kasama..
"Mabuti na lang at ngumingiti ka na"
"Dahil pinapangiti mo ako" wala sa sariling sagot ko. parang nag-blush tuloy si Lucas pero hindi ako sigurado.
Bakit ganito? crush ko lang naman siya pero parang iba ang epekto sa akin ng mga ngiti niya? Hindi kaya???
Omggg!!! Baka... hindi hindi!! Wala lang ito!! Pero..baka!!
Eraaseeee! Kung sabihin ko kaya sa kaniya? NOOOO!! BAKAA PAGTAWANAN NIYAA AKOO HUHUHU NAKAKAHIYA KAYAA... lahat naman ng tao nararanasan 'to!! Saka kung hindi mo 'yon nagawa baka abnormal ka! Pero baka pagtawanan niya lang ako kapag sinabi ko! Si Lucas din naman naranasan na 'yon ehh!
BAKA NGA-- LAHAT NG TAO NARARANASAN TO KAYA DAPAT HINDI AKO MAHIYANG MAG-SABI SA KANIYA NG NARARAMDAMAN KO! TAMAA!!
Baka nga...
Siguro ay..
Oo ngaaa!!
Baka....
Baka...
Baka..
Bak.
Ba..
B..
Baka natatae ako!
Ayokong sabihin sa kanya dahil baka pagtawanan niya ako! Lahat ng tao nagpu-pu-poo kahit si Lucas tumatae rin! Kaya dapat hindi ako mahiya--- pero yung ngiti niya yung yakap niya kanina yung puso ko kapag kaharap ko siya ay laging bumibilis ang tibok nun hindi kaya?? Tama sila? Tama sila faye or wendy?
Baka..
"Gusto ko na siya" napahawak ako sa bibig ko ng bigla ko itong masabi.
"Sinong gusto mo?" Tanong sa akin ni Lucas.. Ikaw, ikaw ang gusto ko.
"W-wala"
"Sigurado ka?" Oo sigurado akong gusto na kita.
"Oo n-naman, salamat sa pag-aya mo sa akin dito"
"Walang anuman para sayo" bakit ka ganyan?
Posible kayang gusto niya din ako? Or nagi-imagine lang ako?
"L-lucas"
"Bakit?"
"May nagugustuhan ka bang babae ngayon?" Tanong ko, napatingin ako sa baba, nakakalula din pala.
"Hmm, oo naman"
"Alam niya ba?"
"H-hindi eh"
"Bakit naman? Pwede mo naman sabihin" sagot ko.
"Hindi pa ako handa, at sa tingin ko ganun din siya"
"Sino ba 'yung babae na 'yun?" Tanong ko.
"Hindi ko muna sasabihin sayo pero may clue ako"
"Ano?"
"Mabait siya, masarap siyang kasama, maganda" mabait ako, saka masarap naman akong kasama.. maganda rin naman ako. "Mahilig siya sa mga street food lalo na ang isaw" mahiligg akoo doon!
"Ang swerte naman ng babaeng 'yan" sabi ko.
"Oum, maswerte talaga" aniya sabay sulyap sa akin.
"Liana.." pagtawag niya.
"Why?"
"Pwede bang dito ka na lang"
"Huh?"
"Pwede bang dito ka na lang at 'wag ka ng umalis sa tabi ko?" Aniya sabay halik sa noo ko. hindi manlang niya ako pinasagot!
Riana POV(Ate ni Liana)
Kanina nung nasa sementeryo kami ay parang nakita ko si Luke, hindi ako sigurado pero alam ko na siya 'yun ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
Huwag niyang sabihin na makikipag-balikan siya kung kailan naka-move on na ako?! Baka masapak ko siya mg duspordos niyan!
Nasaan na kaya si Liana?
Yung babaeng 'yun ay madalas ng lumabas, hindi naman namin alam kung bakit, kapag naman tinatanong namin ay ngingiti lang na parang nasisiraan ng bait!
"Wala pa ba ang kapatid mo?" Tanong sa akin ni Mom.
"Wala pa po eh, nag text siya sa akin kanina na aalis pero hindi naman sinabi kung saan." Sagot ko.
"Nagiging layas na 'yung babaeng 'yun ah"
"Baka may boyfriend na" sabi ko.
"Hayy nako, ewan ko ba sa inyong mga bata kayo kung bakit gustong-gusto niyong nagkaka-nobyo.. eh ang babata niyo pa para diyan!"
"Si Liana mo po 'yun, hindi ako" sagot ko saka nagpeace sign.
"Tignan mo sa labas ang kapatid mo baka nandiyan na" sabi ni Mom.
Lumabas agad ako ng gate at naglakad papuntang labasan, pagkaliko ko ay nakita ko si Liana at may kasamang lalaki! Hindi ko maaninag yung mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin at ang mukha lang ni Liana ang nakikita ko. Ngiting-ngiti ang bruha!
Bigla tuloy akong na-inggit, ganyan ganyan din ako dati:(
Ng makita kong papaalis na yung lalaki ay nagtago ako sa likod ng nakaparadang kotse.
"Bye!" Dinig kong paalam ni Liana saka siya naglakad, napatingin ako sa lalaking naglalakad.
Bakit parang pamilyar siya sa akin?
Yung lakad niya, yung buhok niya, kung papaano siya maglakad.. pamilyar na pamilyar sa akin.
Posible kayang si... Luke 'yun?
......;)
BINABASA MO ANG
His ex-girlfriend (SOON)
RomanceLove at first sight? iyan ang naramdaman ni Liana ng una niyang makita ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya, pero paano kung ang lalaking 'yun ay may tinatago pa lang sikreto na ikaw mismo ang makakabunyag, kakayanin mo kaya? Paano kung mismon...