Chapter 1: At the Park

22 2 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1 - 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐊

-

"Ayoko na Ian! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" Bigla nalang bumuhos ng bumuhos ang luha ko

"Lea. Please, give me one more chance. I will never do that again. Please. Mahal kita Lea!" Nakikita ko na rin sa mga mata niya ang mga luha pero hindi na ako magpapaloko pa, pagod na ako.

"Wala na. Inubos mo na lahat ng chance na ibinigay ko sayo!" I can't do it anymore, kaya naglakad na ako papalayo sa kanya.

"Lea! Lea! Please!" Sigaw niya habang naglalakad ako, pero di ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

Buti nalang may bench dito na may silong.  Basang basa na ako sa ulan. At mabuti nalang walang tao kanina, nakakahiya naman kung may mga tao dito.

Sumandal nalang ako sa gilid ng bench at umiyak ng umiyak. Kasabay ng mga luha ko ang pag buhos ng malakas na ulan.

Bakit niya ba kasi ginawa 'yon? Nag kulang ba ako? Lahat naman ng gusto niya ibinibigay ko. San ako nagkulang? Saan?! Fvck!

"Uh. Hi miss."

"Ay anak ng kabayo!" potcha. Sino ba 'to? Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Grabe ka naman po, di naman po ako anak ng kabayo haha.." sabay kamot siya ng ulo.

"Ah s-sorry. Nagulat kasi ako sa'yo eh, bigla bigla ka nalang sumusulpot." Pinunasan ko agad ang mga luha ko, ayaw ko namang may makakitang umiiyak ako.

"Ah ganun ba? Sorry ah. Teka, umiiyak ka ba?" What? He saw me crying?

"H-hindi po."

"Don't lie to me. Kitang kita sa mga mata mo oh, luha." Ano bang pake niya? Hindi ko naman siya kilala.

"Ah hindi mo na problema 'yon. Hindi naman kita kilala." Kainis. Nag-eemote ako dito eh. Moment ko na 'to e.

"Sorry miss. Gusto ko lang naman malaman kung bakit para ma-comfort kita. Ayoko kasing makakita ng mga babaeng umiiyak, hindi bagay sa kanila." Hala. Napasama ata pagkasabi ko kanina. Ano ba 'yan feeling ko tuloy napaka mean ko! Argh!

"My boyfriend cheated on me. Pang apat na beses na niyang ginawa sa akin 'to." Habang sinasabi ko 'yon bigla nalang bumuhos ang mga luha ko.

"What?! Four times?! Grabe naman 'yang boyfriend mo. Sa ganda at sexy mong 'yan, maghahanap siya ng iba? Bulag ba siya? Haha." Ayy.. Ang ganda at sexy ko daw? koya enebe hehe.

"Actually 'Ex' ko na siya ngayon. At, totoo po ba? Maganda ako?" Ay shet! Ba't ko tinanong 'yon? Nakakahiya!

"Oo. Halatang anak mayaman." Hala! Emegeds.

"Thanks hehe." Tas biglang lumuha ulit ako. Hindi ko parin kasi maalis sa utak ko si Ian! Mahal ko pa siya pero nasasaktan na ako eh.

"Are you crying again? Punasan mo na 'yang luha mo. Oh ito panyo." Sabay abot sa'kin ng panyo niya. Shet ang bango.

"Salamat." Sabay punas ng luha ko.

"A-ano name mo?" He asked na parang nahihiya.

"AzaLea. But you can call me Lea for short."

"Ang cute naman ng name mo, bagay sa cute mong mukha." Is he flirting with me? Uh-uh no. Broken hearted ako.

"A-re you flirting with me?" Tinanong ko na para sigurado.

"No. I just want to be friends with you." Aw, friends lang pala.

"Ahh okay. Ano naman  po name mo?"

𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐢𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐂𝐫𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚𝐥Where stories live. Discover now