“Hindi ka dadaan dito?” tanong ko kay Raquel habang nakaipit ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat, abala sa pagtali ng sintas ng sapatos.
I prefer wearing skirts over jeans. Mas komportable kasi, and thankfully, our university isn’t strict with dress codes as long as you’re comfortable and the outfit isn’t too revealing. Hindi rin naman required ang uniform.
“Hindi e, dadaan pa kasi ako sa National Bookstore,” sagot niya.
“Okay, ingat ka!”
“Ikaw rin, ha? Sige na, gumora ka na baka malate ka pa.”
“Sige. Nalate kasi ako ng gising.”
“Tulog-mantika ka talaga kahit kailan!”
Napatawa na lang ako.
Pagkatapos ng tawag, inilapag ko ang cellphone at tumingin sa salamin. I was wearing a black sleeveless top paired with a black skirt ganito palagi ang style ko.
I put on some light makeup and checked myself again in the mirror. Straight ang buhok ko, makinis ang kutis, brown ang mga mata, at matangos ang ilong. My lips are naturally red and kissable, kahit hindi na lagyan ng lipstick or gloss.
Marami ang nagsasabi na mukha raw akong manika, and to be honest, halata talaga ang lahing banyaga sakin.
Naglagay ako ng tatlong hair clips at nang makuntento sa ayos ko, kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas na ng apartment. Pagkatapos i-lock ang pinto, bumaba ako.
Usually, sumasabay ako kay Raquel sa sasakyan niya. Nakasanayan na namin na sabay pumasok since nadadaanan niya ang university ko bago siya makarating sa campus niya. Pero ngayong hindi kami sabay, magko-commute na lang ako.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng bus, nagce-cellphone ako. I could feel the stares from people, pero binalewala ko na lang.
From: Jacob Andrei
Hey, Love!
Papasok ka na?
Don’t skip meals.
Ingat ka!
I love you.Napangiti ako.
To: Jacob Andrei
Papasok na ako, Love.
Ingat ka rin!
I love you.Inilagay ko na ang phone sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad. Papaliko na ako sa sakayan ng bus nang biglang huminto ang isang pulang sasakyan sa harapan ko.
Hindi ko na sana papansinin at magpapatuloy na lang nang bumukas ang bintana nito. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito?!
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Bumungad sa akin si Professor Montanier, nakakunot ang noo.
Ang lalaking pilit kong iniiwasan sa sistema ko.
He was wearing glasses and a black long-sleeve shirt. As always, he looked effortlessly handsome. Stop it, Idalia!
The sunlight hit his face perfectly, highlighting his sharp features. Napansin ko rin na may ilang mga taong tumitigil para tingnan siya. Hindi ko naman sila masisisi.
“Are you going to school?” tanong niya.
Boses pa lang niya, ramdam ko na ang dagundong ng puso ko. Why is he still asking me? Obvious naman na papunta akong university.
I wanted to roll my eyes, pero tumango na lang ako.
“Sumabay ka na sa akin,” sabi niya habang nakatingin sa bus terminal. “Punuan ang mga bus ngayon. Delikado lalo na’t ganyan ang suot mo.” Bumaba ang tingin niya sa exposed kong legs, dahilan para makaramdam ako ng hiya.
Tumingin ako sa terminal at nakita ko nga ang siksikan ng mga pasahero. Punong-puno rin ang mga bus na paalis. Bakit ba pinipilit pa nilang magpasakay kahit wala nang espasyo?
Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala akong choice kundi sumabay kay Prof.
Papalipat na sana ako sa likuran ng kotse nang magsalita siya.
“Really? Gagawin mo ba akong driver mo?”
Napahinto ako at napapahiyang pumasok sa passenger seat.
Pagkaupo, agad kong sinuot ang seatbelt. Hindi ko maiwasang manginig dahil sa kaba.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nakatingin ako sa labas, pero ang tibok ng puso ko, parang drum sa lakas.
Pagdating sa parking lot ng university, agad kong tinanggal ang seatbelt. Hindi ko na kaya. Grabe ang epekto niya sa akin.
“Salamat po, Prof,” mahinang sabi ko bago bumaba.
Tumango siya pero hindi sa akin nakatingin. “Next time, don’t wear that kind of clothes again,” dagdag niya.
Nagmadali akong lumakad papasok sa campus. Naiilang ako sa suot ko dahil ramdam ko ang tingin ng mga tao, lalo na ng mga lalaki.
Confident naman ako dati sa ganitong damit, pero matapos akong pagsabihan ni Prof, parang nawalan na ako ng gana.
Tumingin ako sa relo ko. Fifteen minutes pa bago mag-start ang first class. Dumiretso muna ako sa restroom.
Pagpasok ko, dumiretso agad ako sa cubicle para umihi. Pagkatapos, pumunta ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko. Bumaba ang tingin ko sa suot kong skirt.
Ito ang pinaka-maiksi sa lahat ng skirts ko. No choice ako dahil halos lahat ng iba kong skirts, nasa labahan pa.
Napabuntong-hininga ako at palabas na sana nang may pumasok na babae na may dalang paper bag.
“Are you Idalia? May nagpapabigay nito sa’yo,” nakangiting sabi niya habang inaabot ang paper bag.
Nakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang nagbigay nito? Itatanong ko sana pero bigla siyang lumabas.
Binuksan ko ang paper bag. Bumungad sa akin ang isang baggy pants. Kinuha ko ito at hinanap kung may card o note, pero wala.
Bigla kong naisip si Prof. Hindi kaya siya ang nagbigay nito?
Naalala ko ang sinabi niya bago ako bumaba ng sasakyan.
Hindi na rin naman ako comfortable sa suot kong skirt kaya sinuot ko na lang ang pants. Mas kumportable talaga.
Lihim akong napangiti habang palabas ng restroom. Kung galing nga ito sa’yo, salamat.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier
RomansaFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...