Nang makarating ako sa hallway ng school, nakita kong maraming tao sa may bulletin board.
"Anong mayroon?"
"Prom."
bigla akong tumingin sa nagsalita. Si Hans pala na hawak-hawak ang bag niya.
"Prom? talaga?" Nagtaka naman ako. For the past years, wala naman prom ang mga students here. Kaya tuwing prom ng ibang school, madalas akong makakita ng mga rants sa social media.
"Sabi-sabi wala raw prom dito noong mga past years? Totoo ba 'yon?" Tanong ni Hans.
"Oo, hindi ko nga rin alam kung bakit. Even now, hindi ko alam ang rason kung bakit nagkaroon?" I said habang nagtataka pa rin at tinitignan ang mga studyanteng nagkakagulo sa bulletin.
"Pumunta na nga tayo sa room." Aya ko kay Hans, sumunod naman ito sa akin.
"Uy, sino aayain mo?"
"Syempre crush ko."
"This is my chance para mapansin na ako ng crush ko."
"This is my chance para mapansin na ako ng Crush ko." Bigla akong natawa sa panggagaya ni Hans sa mga babaeng nagsasalita.
"Stop doing that!" hampas ko sa kaniya.
"Bakit?" Patuloy na pagtawa niya.
"Nakakainis!" I said habang hinahampas-hampas siya hanggang makarating kami sa room.
"Our school principal decided to have a prom next week. Dahil malapit na rin naman ang pasko, regalo niya na raw 'yon sa inyo."
Hiyawan ang mga kaklase ko. I saw Hans smiling at bigla siyang lumingon sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kaniya nang matagal. Ngumiti na lang ako pabalik sa kaniya para hindi niya mapansin na matagal akong nakatingin sa kaniya.
Nang matapos na ang klase, usap-usapan na kung sino ang mga ka-date ng mga kaklase ko.
"Heyow!" Bati ni Hans na umupo sa dating silya ni Teresa. Lumipat kasi Teresa ng upuan, at ang nakaupo do'n ang isa naming kaklase.
"O? bakit?" Bungad kong tanong sa kaniya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Wala." Ngiti nito sa akin. Bigla naman ito kinuha ang upuan, binaliktad at inupuan.
"So? Who's your date?" Sabay tanong nito.
ngumiti lang ako sa kaniya habang pinapasok ang gamit ko sa bag ko.
"Uy!" Nilapit niya pa ulit ang bangkuan niya. "Ayaw mo akong pansinin?" Nilapit niya ulit kaya nang tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang malapitan na mukha niya. His smell, eyes that caught my attention and suddenly I don't even noticed ang mga estudyante sa paligid namin.
That time, slow motion. My eyes only see his face. His smile and even his brown eyes that ngayon ko lang napansin dahil madalas siyang nakasalamin.
He slowly smile at me and look at my lips then suddenly look at my eyes straight.
"Yieeeeeee."
Bigla akong napatingin sa mga kaklase ko and I saw Hans, smiling at me.
Shet! Nakita nila kung ano ginagawa namin.
"Lubayan mo nga ako." I told Hans while tinatakpan ko ang mata niya.
"Nako! isang Bautista lang pala bibihag sa isang Aquino." Pang-iinis ng kaklase kong babae at nagtawanan naman ang nga kaklase ko bago sila umalis sa room.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
FanfictionKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...