5:19 am / IN
--
Pasado alas syete ng gabi ng tahakin ng grupo nila paime ang lugar kung saan gaganapin ang mahalagang okasyon na kinabibilangan ng mabibigat na tao sa industriya . Pagdating nila sa pagtitipon ay agad nagsiposisyon ang mga naturang pulis . At hindi naman nakaligtas sa mata ni paime ang isa sa mga taong dahilan kung bakit tinanggap nya ang mission na ito.
" Magandang Gabi Mr.Calford "- saludo ni paime sa matandang sa tingin niya ay kasing idad lang din ng kanyang ama.
"ikaw pala Cap.Sandoval? Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito.. "- nanunuyang sabi nito na para bang pinaririnig sa mga tao na hindi sya kumbidado pero bakit naroon sya. Agad naman nakuha ni paime ang nais sabihin ng matanda.
" kami ang inatasan para magbantay dito sir."- malumanay na bati ni paime .
' ang plastik mo tanda.'
" Where's your dad? Sa pagkakaalam ko kumbidado sya dito. Bakit wala siya? Hindi ba nakarating sa kanya ang paanyaya ko? "- kunwaring disappointment ito , pero halata sa mukha nitong walang katotohanan ang sinabi.
" its nice to know that you invited my dad here . If im not mistaken he's not part of your circle of FRIENDS? dont worry pagkita kame sasabihin kong excited kang makita sya. "- nakangising turan ni paime sa matanda bago magpaalam.
'kung magkikita pa kayo.'
Eksaktong alas nuebe ng gabi ng matapos ang kanya kanyang speech . At naumpisa na ang kasiyahan . Bagamat nagkasiyahan ay walang alam lahat na may panganib na parating . Sa gitna ng kasiyahan ay pinutol ito panandalian at pumanik ng stage ang matandang kausap ni paime kanina.
" Magandang gaBi sa inyong lahat . Salamat at kayo ay dumating munting kasihayang ito. Pero nalulungkot ako sapagkat hindi nakarating ang aking pinakamalapit na kaibigan. Pero Ganun paman ay nandito ang kanyang unica iha. Malaki ang aking utang na loob sa pamilya nila . Kung wala sila ay sigurado akong wala din ako dito ngayon"- nakangiting pahayag ng matanda.
Mangani nganing barilin ni paime ang bungo ng matanda sa walang kwenta nitong pinagsasasabi!
'tama ka. Andito ka ngayon dahil sa ama ko pero . Hanggang dito ka nalang dahil saken!'
ngisi ni paime ng tumingin sa gawi nya ang matanda . Marami pa itong pinasamatan pagkatapos ay bumaba na ito ng stage at bumalik sa sariling lamesa. Ng magmula sa taas ay may mahulog na mahabang pulang tela. Nakatinginan ang mga tao at gulat na napatingin sa nakasulat.
'ITS SHOWTIME'
kasabay non ay paghulog ng mga granada na may makapal na usok ang inilabas mula sa loob. Hiyawan at takbuhan ng mga tao ang sumunod nangyari.
" Cap! Nagsisugod na ang mga civilian! "- balita ng tauhan ni paime na nasa labas ng building napamura si paime nangmay marinig na putok ng baril mula sa kabilang linya.
" siguraduhin nyong ligtas na makakapasok ang mga opisyal sa kanilang sasakyan."- seryosong sabi ng dalaga.
" Yes Cap!"-
Pagkababa ng Radio sa kausap ay naglakad ng palabas si paime at agad sumensyas sa isa sa mga tao roon . Maya maya pa ay huminto ang kaguluhan at biglang tumahimik. Tanging tunog nlang ng cellphone nya ang kanyang narinig.
" Cap! Nakasakay na po kame sa sasakyan kung saan nakasakay ang mga opisyal ."- sabi tauhan ni paime.
Kumunot ang nuo ng dalaga at hinanap kung saan nagtatago ang ilang mga kasama . Ng mahagip ng kanyang mata ang leader ng sinabing civilian ay sumenyas syang wag ituloy ang gagawin . Tumango lang ito ngunit ndi pinutol ang paningin sa kanya.
" Magsibaba na kayo jan . Hayaan nyong ang iba na ang magdala sa kanila ."- maotoridad na utos ni paime sa kasamahang pulis. Agad naman itong sumunod .
' masyadong na kayong dumadami kailangan na kayong bawasan. Ang batas ay batas pagbuhay ang kinuha buhay din ang kapalit. Pero sa batas ko kahit anung kinuha Buhay ang kapalit.'- seryosong nakatingin ang dalaga sa taong parating .
"Aim anong balak mong gawin sakanila ."-
" Kayo ng bahala . "-at naglakad na palayo si paime at hinanap ang ilang kasamahang pulis . Bago sya umalis ay sinigurado nyang walang nasakatan sa kanyang mga tauhan..
--
7:48 Pm/ OUT
BINABASA MO ANG
PAIME Sandoval
Action"WALA AKONG PAKEALAM SAYO. AS LONG AS HINDI KA PUMAPASOK SA MUNDO KO HINDI TAYO TALO. --Paime Sandoval -Paime Sandoval as Michelle Rodriguez. - Krib Hobbin as Jeremy Sumpter.