SINUNDO ko si Janine sa bahay nila. We are heading to the church to attend a mass. Sunday ngayon kaya pupunta kami sa church. Nang dumating kami sa simbahan, kakatapos lang ng misa. Naghintay muna kami ni Janine bago magsimula ang misa.
I looked at Janine. She is wearing a white just-above-the-knee dress and flat shoes. Sobrang ganda niya. Para talaga siyang anghel na bumaba sa lupa o kaya ay isang diwata. Mahihiya ang diyosa ng kagandahan sa kagandahang taglay ni Janine. Janine is like bright star shining in a dark room and attracting the attention of all man.
I can see men looking at Janine na para bang ngayon lang sila nakakita ng magandang babae. I want to poke their eyes and get their eyeballs para hindi na sila makatingin pa kay Janine. Ang kaso nga lang ay marami akong lalaking matatanggalan ng mata kung gagawin ko 'yon.
"What?" Janine asked when she noticed that I'm looking at her.
"You're so beautiful. Kalahi mo ba si Aphrodite?" tanong ko.
She blinked few times. Hindi yata siya makapaniwalang sinabi kong maganda siya. "Alam kong maganda ako, pero hindi ko kalahi si Aphrodite. I'm not flawlessly beautiful, 'no," tugon niya.
"Hindi mo naman kailangang maging flawlessly beautiful para maging maganda. You get pimples at times, but that doesn't lessen your beauty. Lahat ay maganda pero ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa mga mata ko. Well, next to my mother," I said.
Namula naman siya. "Okay, tama na. Don't flatter me too much. Baka lumaki nang sobra ang ulo ko at maging Miss Universe pa ako," biro niya.
She could actually compete as a Miss Universe kung gugustuhin niya. Pero ayaw ko namang makita siya ng maraming tao dahil alam kong aagawin nila sa akin si Janine. Mas mabuti kung mga mata ko lang ang makakakita sa kagandahan niya.
The mass started. Taimtim kaming nakikinig ni Janine sa mga sermon ni Father.
Dati ay hindi ako nakikinig sa sermon ni Father dahil iniisip kong wala namang katuturan ang mga 'yon. Ngayong malaki na ako, nakikinig na ako. I realized that his words are accompanied with wisdom. May natutunan ako sa mga salita niya, sa mga sermon niya. Hindi siguro ako magiging mabuting tao kung hindi ako nakikinig sa word of God, na isinasaboses ni Father.
Truth be told, God and the word of God is my comfort and refuge. Sa tuwing malungkot ako o may problema, nagbabasa ako ng Bible. Mas nafe-feel ko na nasa tabi ko lang si Lord kapag binabasa ko ang mga salita niya.
The word of God also gives me hope that a better tomorrow will come. Sabi nga nila, hindi araw-araw ay may bagyo. There is a calm after the storm.
"1 Corinthians 13:13. 'And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.'" Nilibot ng tingin ni Father ang buong simbahan.
"In our life, kailangan ay mayro'n tayong faith, hope, at love. Faith o pananampalataya sa Tagalog ay ang pananalig natin sa Diyos. Kapag malakas ang faith mo kay Lord, hindi ka mawawalan ng lakas ng loob para lumaban dahil alam mong pagsubok lang 'yon at kakayanin mo 'yon," sabi ni Father.
I looked at Janine. Our faith in the Lord is strong kaya nakaya namin ang mga pagsubok na pinagdaanan namin. Faith is our weapon against all challenges.
"Hope o pag-asa. Tayong mga Pilipino, hindi tayo nawawalan ng pag-asa na may ginhawa pagkatapos ng unos. Hindi tayo nawawalan ng pag-asa na gaganda rin ang kinabukasan natin. Kaya kung nawawalan ka na ng pag-asa, tandaan mong nasa tabi mo lang ang Diyos at hindi ka Niya pababayaan."
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Janine. Buti na lang talaga at hindi kami naubusan ng pag-asa.
"Love o pag-ibig. 'Yan ang pinakamalakas sa lahat. 'Love conquers all,' ika nga nila. Kapag may pag-ibig, magagawa natin ang halos lahat. Natatalo ng pag-ibig ang kasamaan. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi nauubos. Tandaan niyong mahal na mahal tayo ng Diyos at hinding hindi Niya tayo pababayaan."
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...