Chapter 1
Josette’s POV
“Kyaaaa!!!!!” ‘Yan ang araw-araw na naririnig ko sa mga fans ko na araw-araw din akong inaabangan sa school gate, karamihan sa kanila may mga dalang gadgets like cellphones, tablets at cameras. Yung iba naman may dalang mga inbox (message na nakasulat sa cartolina). Ansarap pala sa pakiramdam ang maging queen bee. Ibang iba sa dating Josette.
-------------o--------------
5 months ago….
“hoy!!! Tumahimik na kayo!!! Andyan na si baho!!! Hahahahaha”. Oo, masakit. Masakit na araw-araw kang tinatawag ng mga kaklase mo ng hindi tama. Ilang buwan na ako nag-titiis sa mga pananalita at pangiinsulto nila. Kahit na sabihin mong 1000 pesos ang aficionado cologne ko, mabaho parin ako sa paningin nila. Ansarap patayin ng mga kaklase kong walang puso. At kasama na doon ang dear devil ko. Her name is Irah. She is the one who started to tease me. Dahil mayaman, handa siyang mag-bayad sa mga kaklase at ka-schoolmates ko. Just to show na loser ako. Kaklase ko din siya sa dati kong school, may sinabi ako sa kanya na sikreto na hindi totoo. At dahil mahina siya, sinabi niya sa akin ang totoong baho niya. Anong akala niya sa akin, tanga?? Sa lahat ng mga nakasama ko, isa lang ang pinagtitiwalaan ko, si Bianca. Siya lang ang totoo at tapat na kaibigan ko. Siya ang nakakaalam ng lahat. I mean lahat-lahat-lahat ng baho ko. Pero sigurdo nga ba ako sa kanya?
-----------------------o-------------------------
As I walk on the hallway, I saw Irah with her Devil Friends. “Ano bayan ang baho!!!!” parinig ko sa kanya. “ako ba pinariringan mo?” Ha-ha. Here’s coming the devil side of Mine. “ Ha?! Pinariringan? Ikaw? Kung natatamaan ka, edi ikaw nga ‘yon!” Hindi siya nag-salita. “Girls, tingnan niyo, bakit kayo kumakampi sa isang nobody at cheap person?” sabay tingin kay Irah from head to toe. Ha-ha. Mas lamang lang ako ng limang lotion sa kanya. Kawawa siya kung nasa madilim na lugar siya, I’m sure na maisip ko na black lady siya. “oo nga ‘no? bakit tayo dumudikit kay nobody Irah kung meron namang Famous Josette?” sabi ng isang kasama ni Irah. While the others Agreed. “Girls sinong pipiliin niyo ako o ‘yang Josette na maraming baho?” Sabay taas kilay si Irah. “ tsk. Tsk. Tsk. Sino ba ang anak ng dancer dito?” Sabi ko, at makikita mo sa mga mata ni Irah ang gulat. Pero agad ‘tong napalitan ng galit. “sino dito ang anak ng basurera?” sabi niya. Isa yan sa mga sinabi ko. “guys may kilala ba kayong anak ng basurera?” pag-mamayabang ko. All of persons beside me nodded. “ngayon Irah, sino ang sinasabi mong anak ng basurera?” “Ikaw!!” Sigaw niya. “…” lahat ng tao sa paligid nanahimik sabay…. “hahahahahahahahahahaha… Guys nag-joke siya, tawa tayo!!! Hahahahahahahahaha” sabi ni Raphael. Isa sa mga mang-hahabol ko. “ Hindi ako nag-jo-joke!! I…I…It is true!!” laban ni Irah. “sige nga, paano mo mapapatunayan na anak ng basurera si Josette” Sabi ni Bianca. “ I have no prove na totoo ‘yung sinabi ko, pero siya mismo ang nag-sabi noon.” Sabay turo sa akin ni Irah. “ ‘yun naman pala eh, wala kang pruweba. Eh ako,,….” Lapit ng konti kay Irah. “….Meron” bulong ko. Sabay dukot sa bag ko ng picture ng mama niya na may kalandiang ibang lalaki. “Guys may I have attention please..” Tinaas ko ang picture. “ Ang mama ni Irah ay BAYARAN!” Lahat ng nasa paligid ay nagulat, maski si Irah ay nagulat din. Buti nalang naprint ko agad yung picture kagabi. I investigated also the other news and info about Irah’s family. Marami akong nalaman that I didn’t expected. Maraming tinatagong sikreto ang Baltazar’s Family. Marami pa akong dapat malaman.
-----------------------------o------------------------------
Irah’s POV
Laking gulat ko nang Makita ko ang picture ni Mama. Ngayon ko lang nakita ‘to. Kaya pala binigay sa akin ni mama ang lahat ng gusto ko, kaya pala pina-aral niya ako sa East High International School, kaya pala may sarili akong maid, body guard, make-up artist at driver. Kaya pala nag-mamayari na ako ngayon ng isang condominium. Lahat pala ng karangyaan na nararanasan ko ngayon ay nang galing sa kabahuan ng sarili kong nanay. Akala ko, maganda ang trabaho na pinasukan niya doon sa Japan, hindi pala.
--------------------------------------o-----------------------------------------
2 years ago…..
I’m a first year high school student here in MNHS (Makati National High School). Akala ko ay may magandang trabaho si mommy sa Japan, “Mommy, pwede po ba ako sumama?” Pag-mamakaawa ko kay mommy dahil gusto ko talagang makapunta sa Japan. “Anak, promise ko sayo, babalik ako dito, babalikan kita.” Sabi sa akin ni mommy, hindi naman ako mapilit, bigyan mo lang ako ng 1000 pesos ok na ako. “eh mommy, ano po ba ang trabaho na papasukan niyo?” Biglang natahimik si mommy. Tumingin siya kay daddy. “ah, anak. Business Clerk ako doon sa Japan. Promise ko sayo, balang araw hindi na pag-pag ang kakainin mo, hindi ka na titira sa bahay na ito, hindi ka na mag-aaral sa MNHS. Hindi ka na mag-susuot ng damit na punit-punit.” Mommy sighed. “promise ko sayo, babalikan kita” and she smiled at me.
-------------------o--------------------
Sakto at tatlong buwan nalang ang hihintayin ko at babalik na si mommy. Kailangan ko malaman lahat.
Kringggggg……. Kringggggggg……
Lunch time…..
“lonely,, I’m ms. Lonely” Kanta ng mga kaklase kong dumadaan sa table na inuupuan ko. Lahat ng kaibigan ko dati ay pinandidiriian na ako. Maraming lalake ang nantritrip sa akin. “Irah!!!” Tawag sa akin ni Matthew, Hearthrob ng school. “Magkano bayad sa iyo tuwing gabi? Hahahaha.” He laughed with his friends. “walang hiya ka!!!” I try to slap him in his Face. Pero naharangan niya yung kamay ko. “ano, sasampalin mo ako? Sige subukan mo, baka mapatalsik kita sa school na ito.” Ang lakas ng hawak niya sa kamay ko. “Ma…Ma…Matthew. Nasasaktan ako.” “dapat lang sa iyo yan pagkatapos mong gawing masama si Josette sa tapat ng ibang tao. Irah you should know the news first before you spread it. At kilalanin o muna ang sinasangga mo bago ka sumugod.” Sabi niya sa akin habang umiiyak ako. “Ano umiiyak ka ngayon? Asaan yung mga kaibigan mo na binayaran mo at pinagkatiwalaan mo? Irah your such a loser, dinadaan mo kasi sa pera ang lahat.” Sabi niya sa akin. “Diba Matthew naging boyfriend kita? Diba binigay ko lahat ng gusto mo? Diba binigay ko lahat ng pag-mamahal ko sayo? Pero ano ‘tong ginagawa mo sa akin ngayon, lalo mo akong dinodown. Kung naaalala mo pa, hindi pa tapos ang contract natin, your my future fiancé. At wala kang pera para sa annulment.” Sabi ko. Oo pinaglalaban ko siya. Hindi dahil future fiancé ko siya. Dahil mahal ko talaga siya. “Ano?! Ako? Walang pera para sa annulment? Lang ya ka Irah, sa tingin mo wala akong pera sa school na ito? Irah kung nakakalimutan mo na ako ang nag-mamay ari ng school na ito, at handa akong mag-bayad kahit magkano pa yan. Just for annulment handa akong kaskasin ang credit cards ko. If you love , sorry but I didn’t love you. Masakit na paasahin ang isang babae, pero Irah..urghh!! Ayaw ko na pinapaiyak ang babae, pero sorry I didn’t love you as you love me.” Masakit. Sobrang masakit.

BINABASA MO ANG
Ms. Queen Bee fall in love to Mr. Chubby
Teen FictionPROLOUGE Paano kung ang Queen Bee ng isang International School ay ma-fall in love sa isang lalaking Chubby pero Cute? Enter~~Josette Baraquia. Queen Bee, matalino, sexy, mayaman at habulin ng lahat ng lalaki. Ngunit isang araw makikita niya ang man...