Berdeng Daliri
Bawat butil ng ulan ay napakalaking handog
sa mga munting tagabungkal ng lupaing sabog,
kasama ang primo nilang masipag na alalay
tagahawi ng talahib sa bukid na nananamlay.Sabay dakot kay butong isasaboy sa kalupaan
sa tulong ni araro'y hindi na mahihirapan,
babantayan pa nga niya ng ilang buwan
at pagkatapos ay ang pag ani sa bungang inalagaan.Maliliit na ginto'y tinatambak-tambak
sa trapal na pula't asul ay inilatag,
jinintay ang pagpaparamdam ng Haring Araw
at nagbilad sa mala disyertong umaapaw.Ilang sako ng butil kapalit ng salapi,
ipapakain niya sa mga bibig na ilang buwang nangangati,
ang kalderong gutom ay nabusog, nagkalaman
dahil sa butil na hiyas na kanyang pinagkaingatan.Sila ang bayaning hindi man natin kilala
pero araw - araw at gabi gabi tayong pinapakain nila,
kaya sa butil ng kanin na sinasayang at itinatapon
ay sampal sa kanilang naghirap mula umaga hanggang hapon.
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
Poetrymga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.